Bilang opisyal na katuwang at pangunahing sponsor ng Mister Pilipinas Worldwide 2025, dinala ng PlayTime ang inaabangang Finals Night sa libu-libong tagahanga na sabik makita ang kanilang mga paboritong kandidato sa pamamagitan ng official livestream coverage, na nagtapos sa isang kamangha-manghang pagdiriwang ng pagka-Pilipino, sigasig, at kahusayan na ginanap sa Newport World Resorts noong Abril 28, 2025.
Bilang country’s premier male pageant, kinoronahan ng Mister Pilipinas Worldwide ang mga bagong titleholder – mga natatanging indibidwal na buong pagmamalaking kakatawan sa Pilipinas sa global stage.
Ang limang pangunahing nagwagi ng titulo ay sina Mister Pilipinas Global 2025: Jether Palomo, Taguig City; Mister Pilipinas International 2025: Kirk Bondad, Baguio City; Mister Pilipinas Supranational 2025: Kenneth Vincent Cabungcal, Dumaguete City; Mister Pilipinas Manhunt International 2025: Raven Lansangan, Pampanga; at Mister Pilipinas Eco International 2025: Kitt Cortez, San Juan City
Para sa two runner-up titles ay sina Mister Pilipinas Man of the Year 2025: Michael Angelo Toledo, Cebu City; Mister Pilipinas Cosmopolitan 2025: Kenneth Marcelino, Laguna
Ipinagkaloob din ng PlayTime ang special award na Mister Pilipinas PlayTime 2025 kay Kenneth Marcelino.
Ang parangal na ito ay nilikha upang kilalanin ang kandidato na nagpakita ng pambihirang pakikibahagi, pagkamalikhain, at koneksyon sa mga manonood sa promotional period ng kompetisyon.
Ang selection process ay nakabatay sa 50% sa performance sa social media voting campaign ng PlayTime – na sinusukat ang reach, interactions at audience impact – habang ang natitirang 50% ay batay sa internal evaluation metrics ayon sa brand values ng Playtime.
Iginawad din kay Marcelino ang halagang P100,000 mula sa brand bilang bahagi ng parangal.
Ang mga bagong king ay napili matapos ang isang masusing serye ng mga hamon na sumubok sa kanilang karisma, talino, adbokasiya, at pamumuno – na sumasalamin sa tunay na diwa ng makabagong lalaking Pilipino.
