Knicks iniligtas ni Kat sa game 3


INDIANAPOLIS — Sa posibleng pagkakahulog ng New York Knicks sa kanilang ikatlong sunod na playoff loss at nakaupo si Jalen Brunson sa bench dahil sa limang fouls, ini­lagay ni Karl-Anthony Towns sa kanyang mga kamay ang kanilang kapa­laran.

Humugot si Towns ng 20 sa kanyang 24 points sa fourth quarter para tulungan ang Knicks sa pagbangon mula sa 20-point deficit at talunin ang Indiana Pacers, 106-100, sa Game 3 ng Eastern Conference finals.

Umiskor si Brunson ng 23 points para sa paglapit ng New York sa Indiana sa 1-2 sa kanilang best-of-seven series.

“They put me in great spots to succeed, and I just wanted to capitalize on the opportunity,” sabi ni Towns na humakot din ng 15 rebounds para sa Knicks. “All of us are just trying to do whatever it takes to win, get ourselves back in the game.”

Pinamunuan ni Tyrese Haliburton ang Pacers sa kanyang 20 points at 6 assists habang may 19 markers si Myles Turner.

Bumalikwas ang New York mula sa 35-55 pagkakabaon sa 3:20 minuto sa second period bago agawin ang 89-88 abante sa 7:10 minuto ng fourth quarter sa likod nina Towns at Brunson.

Pipilitin ng Indiana na makalapit sa kanilang ika­lawang NBA Finals appea­rance matapos noong 2000 sa paghataw ng Game 4 bukas.

Nagkaroon si Pacers top defender Aaron Nes­mith ng sprained right ankle sa third quarter.