Knicks lusot ulit sa Celtics


BOSTON — Sa ikalawang sunod na pagkaka­ta­on ay muling nakahanap na paraan ang New York Knicks para matakasan ang nagdedepensang Cel­tics.

Sinelyuhan ni Mikal Brid­ges ang isa na namang 20-point comeback sa kanyang ikalawang dikit na game-ending steal sa 91-90 paglusot ng New York sa Boston at kunin ang 2-0 lead sa kanilang Eas­tern Conference semifi­nals series.

“Just finding ways to win,” sabi ni Bridges na umiskor ng 14 points para sa Knicks na nakahugot kay Jalen Brunson ng 17 points.

Ang dalawang free throws ni Brunson sa hu­ling 12.7 segundo ang nag­bigay sa kanila ng 91-90 bentahe kasunod ang agaw ni Bridges kay Celtics star Jayson Tatum.

“Going home we realize the opportunity we have. We just have to stay locked in,” wika ni Brunson sa pa­mamahala ng New York sa Game 3.

Kumamada si Josh Hart ng 23 points at humakot si center Karl-Anthony Towns ng 21 points at 17 re­bounds.

Umiskor sina Jaylen Brown at Derrick White ng tig-20 points para sa Bos­ton na naglista ng mahinang 10-for-40 shooting sa 3-point range.

Nalimitahan si Tatum sa 13 points mula sa kanyang 5-for-19 field goal shooting para sa Celtics.

“Two games we’re up 20 points somehow end up not with wins is inexcu­sable,” sabi ni Brown. “Obviously being down two, it sucks.”

Sa Oklahoma City, nagbagsak si Shai Gilgeous-Alexander ng 34 points para banderahan ang Thunder sa 149-106 paglampaso sa Denver Nuggets sa Game 2 at itabla sa 1-1 ang kanilang Western Confe­rence semifinal series.

Nagtala ang Oklahoma City ng NBA playoff record para sa first-half points sa iniskor nilang 87 markers patungo sa pagresak sa Denver.