Korean actor Kim Soo-Hyun, tinawag na king of tears


Umiiyak na nagsalita ang Korean actor na si Kim So Hyun tungkol sa kontrobersya sa kanila ng namayapang actress na si Kim Sae-ron.

Ilang linggo na ring pinag-uusapan ang nasabing kontrobersiya at marami nang nawalang endorsement at proyekto  dahil sa nasabing isyu sa Korean actor na minahal din ng Pinoy fans.

As in lumuluha siya sa mga kumalat na pahayag niya sa isang press conference : “Firstly, I am sorry. Because of me, I think so many people are suffering. And also I feel sorry that the late actor [Kim Sae-ron] isn’t able to rest in peace,”  sabi ng actor na translated na sa English.

Itinanggi rin ng actor sa nasabing presscon na nag-umpisa silang mag-date nito nung minor pa ang actress.

“I never dated [Kim Sae-ron] when she was a minor…We dated with good feelings and after some time, we broke up. After that, we weren’t able to contact each other like we used to. Just like any other couple, contacting a lover after breaking up is a very cautious thing,” sabi pa sa news story na kumalat online sabay tawag sa actor na king of tears kung saan siya nagbida sa Korean series na Queen of Tears.

Sa YT story nag-umpisa ang tungkol sa kontrobersya sa dalawang Korean star.