MANILA, Philippines — Unti-unting nababawi ni Kris Aquino ang kanyang lakas habang patuloy ang kanyang laban sa ilang autoimmune diseases.
Sa Instagram post ng malapit na kaibigan at host na si Loi Villarama, ibinahagi niyang umabot na sa 106 pounds ang timbang ni Kris, malayo sa dating 82 pounds na kinabahala ng marami.
Kasama sa post ang isang video kung saan makikita si Bimby, ang bunso ni Aquino, na buhat-buhat ang ina mula sa kama.
Sa clip, maririnig si Kris na nagtatanong kung mabigat na ba siya para sa anak.
