Kris, nagparamdam para sa anibersaryo ng EDSA revolution


JUST ASKING — Leon Guerrero — Pilipino Star Ngayon

February 27, 2025 | 12:00am

Dumalo sa People of the Year…

Lumabas si Kris Aquino sa awarding ng PeopleAsia People of the Year 2025 awards night. Kahit maysakit pa rin daw, um-attend siya sa event to support designer at close friend niya na si Michael Leyva.

Ito ang first public appearance ni Kris since hinaharap niya ang kanyang medical crisis.

Pero sabi niya, hindi pa rin siya okay na okay?

Ipagdasal na lang natin si Kris!

Iconic colors ang suot niya – pink and yellow. ‘Yan talaga si Kris, may meaning at intentional lahat. Kakaiba!

cedrick, ikinasal na sa ‘nabuntis’?

Sa post ni Direk Pepe Diokno, tama nga ang balita na may ikakasal na best actor na si Cedrick Juan sa kanyang aktres ding girlfriend na si Kate Alejandrino! Noong isang linggo lang nagkaroon sila ng engagement, tapos noong Feb. 25, EDSA Anniv lang ang ipinost ni Ced­rick. ‘Yun pala ibang anniversary na rin ang ise-celebrate nila ni Kate.

Pero bakit parang na fast track lahat? Totoo kaya ang balitang on the family way na si Kate?

Abangan.

Pelikula nina Iza at Dimples, pangmatagalan ang epekto

Ok naman ang naging first showing day ng pelikulang Caretakers nina Iza Calzado at Dimples Romana under Rein Entertainment and Regal Entertainment. Hanggang ngayon, puring-puri pa rin ng mga manonood ang acting nina Iza at Dimples, at maayos ang pagkakagawa, pulido.

At ‘yung mensahe ukol sa pagmamahal sa kalikasan ay baon-baon nang pangmatagalan.

Movie nila Jennylyn, hinahanapan ng magaling na direktor

Iba naman ang reaksyon ng mga tao sa Everything About My Wife nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Sam Milby.

Ang sabi nila, “magaling naman ang mga artista pero sana kumuha naman sila ng magaling na direktor.”

Sabeeeeeh?

SOF, certified Kapamilya na

So sa Star Magic din finally nag-sign ng management contract ang ating The Voice USA Champion na si Sofronio Vasquez. Ano kaya ang nangyari sa pag-uusap nila ng PPL Management? Husto na ba na nag-guest siya sa GMA 7 shows and after that ABS na ang mamamahala ng kanyang career?

Marami pang tanong ang ating bubwit: ano ang coverage ng management na ito? Paano na ang US management ni Sofronio after niyang manalo sa The Voice? Malamang maaayos naman nilang lahat ito. Go, go, go Sof!!!

Nakakataquote:

“Nakita ko ang buhay ng nanay ko, at ngayon ko mas naiintindihan ko ‘yung bigat ng pinagdaanan niya — liwanag-dilim. Kaya ako ngayon, sinisikap kong ipaglaban ang liwanag. Laban Light!”

– Iza Calzado sa pag-amin na nag-suicide ang yumao niyang ina sa Fast Talk with Boy Abunda