Ipinagmamalaki nga ni Liza Soberano noong Martes ang kanyang bejeweled look para sa Elton John AIDS Foundation Oscars sa Los Angeles, California.
Well, wala man siya sa red carpet ng Oscars, ang ganda pa rin ng suot niya.
Aniya sa caption : “Feeling the love tonight. Thank you EJAF and Elton John for an unforgettable night filled with purpose and passion. Your work is truly changing lives.”
Nauna nang sinabi ni Liza na may gagawin siyang Hollywood film this April.
Sa ngayon obviously, abala muna siya sa mga Hollywood-related event na kanyang dinadaluhan.
Naka-confine sa hospital…John Prats, inulan ng mga pag-aalala ng mga kaibigan at follower
Walang sinabing dahil kung bakit nasa hospital si John Prats pero ayon sa ilang mga nag-comment, “the worst is over.’”
Basta ang post niya lang ay ang pagdalaw ng kanya ng mga kaibigan kasama si Sam Milby, Marc Solis at iba pa. Andun din sa photo ang misis niyang si Isabel Oli.
Sabi lang niya sa caption : “Salamat mga kapatid sa pag bisita. I appreciate it. Love you guys!”
Umapaw naman ang get well soon messages sa nasabing post ng mas kilala na ngayong concert director kesa sa pagiging actor.
