Lady rider pisak sa trailer truck


Joy Cantos — Pilipino Star Ngayon

January 9, 2026 | 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang babaeng nagmamaneho ng motorsiklo nang magulungan ng trailer truck na kanyang inoberteykan naganap sa Brgy. Magdugo, Toledo City, Cebu, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Queenie Chelle Laruap, 35-anyos, driver ng Yamaha Mio motorcycle.

Sa report ng Toledo City Police, alas-8:55 ng umaga nang mangyari ang sakuna sa highway ng Brgy.Magdugo, Toledo.

Lumalabas sa imbestigasyon, kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo nang tangkain nitong mag-overtake sa trailer truck.

Dahilan sa maputik at madulas ang daan ay sumalpok ang motorsiklo sa nasabing truck at nang bumagsak ay nagulungan ito at napisak.

Inaresto naman ng mga otoridad ang driver ng truck na si Lemuel Barwaldo Lemoran at isinailalim din sa pounding area ang truck.