Pulos papuri ang natanggap ni Paolo Contis nung nag-post siya ng birthday greetings kay John Cabahug.
Si John ang matagal nang karelasyon ng ex ni Paolo na si Lian Paz kung saan may dalawang anak si Paolo.
Naging magkaibigan na pala sina Paolo at John na hindi niya sino-social media.
Kaya kahapon, birthday ng negosyanteng si John, nagpasalamat si Paolo kalakip ang maraming bonding photos nila kasama si Lian at dalawang anak nila na sina Xalene and Xion.
At ang mensahe ni Paolo:
«Happy Birthday John!
«I want to take this opportunity to thank you for allowing Lian and my kids nung araw na to. Oo, hinintay ko talaga ang birthday mo to publicly express my gratitude to you,» umpisa ni Paolo.
«Lian, you have always been kind and forgiving. This is why hindi kayo pinabayaan ni Lord. I appreciate all your efforts in talking to John about that day. Thank you for being strong and for how you nurtured the kids to have beautiful hearts,» dagdag pa ni Paolo sa kanyang post.?
Kasabay nito ang pasasalamat kay John at pangakong andyan lang siya para sa kanila.
«John, I cannot thank you enough for this chance. I promise to have a constant communication sa inyong lahat. I will not waste this chance. Thank you for taking care of the kids. Please know that I am always here para sa inyong lahat.
«To more precious days like this.
«Happy Birthday John! Thank you for the friendship!»
Ang dami talagang natuwa. Maaalalang na-bash-bash si Paolo na kesyo hindi raw niya inaasikaso ang dalawang anak kay Lian, na kesyo irresponsible father siya, etc. etc.
Pero ‘yun pala gumagawa na siya ng paraan para makausap ang mga anak.
Kaya naman tinanong ko si Lian kung anong reaction niya rito: «were good naman, bday ni john today, all is well naman. re that, I‘ll quote romans 8:28, And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose,» sabi niya sa reply nang kumustahin ko at hingan ng komento sa nasabing post ni Paolo.
«Happy ako kasi this was never about me, paolo or john. This was all because of God’s grace and his faithfulness. He heals and Is constantly at work in our lives. He is the only one who turns sorrow into joy, always Preparing your life to be a story for his Glory!» ang buong message ni Lian.
Matagal na silang naka-base sa Cebu kung saan maraming negosyo ang pamilya ni John bukod pa sa negosyo nilang VDrink Malunggay Juice na nakatuwang niya sa pagpapalaki kina Xalene at Xion.
