Ang suwerte ng cast ng Samahan ng mga Makasalanan dahil kahit hindi pa showing ang movie at hindi pa alam ang magiging box-office gross, may bonus na sila mula sa co-producer ng movie na si Chavit Singson.
In-announce ito ni Chavit sa mediacon ng movie, “may bonus kayo” na nang marinig ng cast, ang ganda ng mga ngiti at nagningning ang mga mata.
Isa sa tatanggap ng bonus si Liezel Lopez na gumaganap sa role ng isang pokpok at may eksena itong tinanong niya si David Licauco na ipagre-react ng fans nito.
Nonchalant si David sa nasabing eksena pero parang dine-dare si Liezel na ituloy ang balak gawin sa kanya.
First movie ni Liezel ang SNMM at masaya siya dahil hindi siya kontrabida at hindi siya nagalit. Nakapagpahinga siya sa mga eksenang lagi siyang galit at sumisigaw.
Sa April 10, 2025 ang premiere night ng pelikula ni director Benedict Mique at sa April 19, ang regular showing. Sabi ni Atty. Annette Gozon-Valdes ng GMA Pictures at GMA Public Affairs, bagay na pang-Black Saturday ang SNMM.
Eric, nag-walling sa Dolphy theater
Pinatawa ni Eric Quizon ang nakapanood ng pinost niyang reels na nagwu-walling sa labas ng Dolphy Theater sa ABS-CBN. May rason ang pagwu-walling niya at kahit ang netizens, nalungkot din.
Sabi niya, “When I found out that they will tear the Dolphy Theater down. Nag-walling! #walling #dolphy #dad.”
Ang tinukoy niya ay ang plano na kasamang i-tear down ang Dolphy Theater dahil nga nabenta na ang ilang bahagi ng property ng ABS-CBN sa Ayala Land.
Kahit sabihing puwedeng magpatayo na lang ng ibang Dolphy Theater, iba pa rin ang original na ipinangalan sa kanyang amang si Dolphy.
Actually, hindi lang ang pamilya niya ang nalungkot sa balitang ito, halos lahat ng mga taga-industriya.
Freddie, walang planong tumigil sa trabaho
Last two weeks na lang sa TV5 ang Himala ni Niño, pero tapos na ang taping ng series at sa mediacon na lang uli nagkita-kita ang cast, si director Thop Nazareno, writers na sina Peter Dizon at Richard Garcia. Kaya naman, nagkakuwentuhan uli ang cast at ang batang cast sa pangunguna ni Zion Cruz.
Nagpahayag ng lungkot ang cast, kabilang si Freddie Webb na gumaganap na si Lolo Mars. Maraming rebelasyon ang kanyang karakter sa last two weeks, kaya ‘wag bibitiw hanggang sa finale.
Nagpakatotoo si Freddie nang tanungin kung bakit niya tinanggap ang project at ang role? “Malaki ang bayad. Hindi bale patayin ang karakter ko, basta may taping pa rin,” sabi nito.
“Bakit naman ako tatalikod sa magandang palabas. Komportable ako acting as an old man because I’m an old man. When I got the role, I talked to God at sabi ko, ‘God bahala na kayo sa akin.’ I’m happy and forever grateful that I’m part of this series,” dagdag pa ni Freddie.
Freddie is 82 years old, pero kayang-kaya pa ring umarte.
Siguro, kapag may offer sa kanya na maganda at kaya pa niyang mag-taping, tatanggapin pa rin nito.
