Lolit Solis, pumanaw na sa edad na 78


MANILA, Philippines — Namaalam na ang beteranong kolumnista at talent manager na si Lolit Solis sa edad na 78.

Sa isang Facebook post kaninang madaling araw, Hulyo 4, nagpaabot ng pamamaalam ang dating child star na si Niño Muhlach kay Lolit.

Nagpahayag din ng pakikiramay sa Facebook si actor-politician Jolo Revilla sa pamilya ni Lolit.

Noong 2022, sumailalim si Lolit sa dialysis matapos maospital.

Nakilala si Lolit bilang host ng showbiz talk show na Startalk, na umere sa GMA Network mula 1995 hanggang 2015. — Ulat ni Geraldine Santos