January 9, 2026 | 12:00am
MANILA, Philippines — Pinagbabaril nang malapitan at napaslang ang isang 74-anyos na matandang lalaki ng hindi pa nakilalang armadong riding-in-tandem sa Brgy Panubigan, Zamboanga City nitong Miyerkules.
Kinilala ang biktima na si Hiya -Hiya Ibrahim Tahil, tubong Jolo,Sulu at residente sa nasabing lugar.
Sa ulat ng Zamboanga City Police, naganap ang insidente habang ang biktima ay nasa binisidad ng nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang riding-in-tandem na lulan ng kulay magkahalong itim at pulang motorsiklo.
Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril ay bigla na lamang ng mga itong pinagbabaril ang biktima na duguang humandusay sa insidente.
Ang mga suspect ay mabilis na nagsitakas na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar.
Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang matanda pero idineklara na itong dead-on-arrival ng mga sumuri ritong manggagamot.