September 1, 2025 | 12:00am
Lumaking walang kapatid si Bianca de Vera. Naging masaya naman daw ang kabataan ng aktres kahit maliit lamang ang kanilang pamilya.
“I had a happy childhood. Masaya ako na only child ako. But at the same time naglo-long ako for siblings. I’m very close to both of them. Si mommy is like my sister. As in I can talk to her about anything, about my crushes, about girl stuff, about shopping. Best friend ko talaga siya. Si daddy naman, nalalabas niya ‘yung medyo boyish side ko. We race together. Tinutulungan ko siya mag-ayos ng kotse kahit hindi ako masyado marunong,” pagbabahagi ni Bianca.
Maging sa buhay-pag-ibig ay talagang nakagabay umano ang mga magulang ng Kapamilya actress.
“They make sure to guide me all the time. They always remind me to be careful with the people that I choose to love in the near future. Now, they always tell me to take things slow, which I’m doing,” pagtatapat ng dalaga.
Dasuri, gustong magka-jowa na Pinoy!
Hinding-hindi makalilimutan ni Dasuri Choi ang mga panahon na naging backup dancer siya ng Wonder Girls. Isang malaking karangalan para sa dalaga dahil nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang sikat na Korean girl group.
Sumagi rin umano sa isipan ng dalaga na sumabak sa paggawa ng Korean Pop. Hindi lamang daw natuloy si Dasuri dahil sa disiplinang kinakailangan para rito.
Walang kasintahan ngayon si Dasuri. Nagkaroon ng Korean boyfriend ang dalaga noon at ngayon ay Pinoy na ang nais na makarelasyon.
“I experienced Korean boyfriend. Actually, lahat nang na-meet ko cheaters. Kaya matagal din akong naging single. Ngayon sana Pinoy naman. Lagi naman po akong ready, Tito Boy. But then, hindi siya talaga dumadating, ang tagal talaga. Lagi naman po akong ready, kasi ‘yung edad ko po millennials po kami. I think kasi mas nai-enjoy ko po ‘yung solo life, single life. I love to be alone with my dogs, that’s it. So hindi ako lumalabas. Wala din ako connection dito, hindi rin ako nag-aaral dito, wala rin akong church dito. Wala po, dog na lang,” paliwanag ng dancer. (Reports from JCC)
