Ang bongga naman ni Dennis Padilla na mukhang nagkaayos na sila ng anak na si Leon.
Nag-post si Dennis ng litrato nilang mag-ama na may caption na “Dear Leon… Happiii bday anak God bless you more”
Sey pa nito “Love you anak… Leon Marcux”
At nag-reply si Leon na nagpasalamat sa kanyang papa ha.
Maaalalang nagpadala rin sa kanya ng mensahe ang mga anak niyang sina Julia at Leon nung nakaraang buwan sa birthday niya, na ikinatuwa ng komedyante nang sobra noon.
Inimbita pa niya ang mga ito na mag-dinner, na mukhang natuloy na nga.
Maaaring ang litrato nga nila ni Leon ay naganap noong mag-dinner sila.
Ang saya lang na matitigil na ang pagka-miss niya sa mga anak niya na tumagal din ng ilang taon at baka ito na ang matagal niyang ipinagdasal.
Mas makakabuti nga rin siguro na kung sakaling sumama man ang loob ni Dennis ay huwag na niya iyon i-post sa social media para na rin hindi masaktan ang mga anak niya.
Dahil mukhang sa tuwing ginagawa niya iyon ay lumalayo ang loob ng mga anak niya.
Mukhang napalaki nga ni Marjorie Barretto ang mga anak nang tama na kung ano man ang nangyari sa pamilya nila noon ay mukhang nakapagpatawad na ang mga iyon.
Bongga.
‘Thank you for the friendship’
Dahil na rin siguro sa edad kaya talagang kagigising mo pa lang gusto mong matulog uli.
At kahit pa nga gising ka, parang hindi naman umaandar ang energy mo para maging active.
At ito ang nararamdaman ko ngayon, para bang ayaw umandar ng energy ko. Talagang gusto ko lang nakahiga.
Sacrifice talaga sa isang gaya ko na laging on the go. Kaya nga siguro ngayon ako nagbabayad sa lahat ng pagod ko noon. Sobra-sobra na nga na lagi akong in bed, at pati ‘yung habit ko na manood ng TV parang nawala na rin.
Talagang siguro iba na talaga ang kilos at galaw mo ‘pag 78 ka na. Talagang ang laki ng difference kaya pati ikaw hindi mo alam ang gagawin.
Gusto ko na ngang magpahinga dahil para bang naabot ko na ang limit ko sa buhay.
Hahaha. ‘Kaloka.
Ngayon I am very grateful sa friends ko na binigay ni God sa akin.
With all gratitude sa mga taong tumulong para marating ko kung saan ako ngayon.
Sa mga alaga ko na kahit alam nila na hindi na ako ganon ka-active nandiyan pa rin at nagsasabi na hanggang buhay ako sila pa rin ang talents ko.
Hindi ba ang sarap pakinggan at talagang inspiring sa iyo bilang PR/manager. At dahil diyan siguro kaya kahit pa nga feeling ko pagod na ako hindi ko pa rin kayang iwanan ang trabaho.
Salamat din kina Salve at Gorgy sa malaking tulong sa akin. Touching ‘yung lagi nilang chine-check ang kalagayan ko. Thank you for the friendship.
God is so good to me, kaya forever grateful for all these things. Salamat po sa pag-aalaga sa akin, mahal kong Diyos. Salute.
(Nay, kailangan ka pa ng industriya. Lalakas ka ulit. Fighting. We love you always. – Salve)
