Going places ang all-male group na Magic Voyz na successful ang first anniversary concert.
Ang grupo ay nasa ilalim ng Viva Records at LDG Productions ng talent manager na si Lito de Guzman.
Mabilis kung tutuusin ang arangkada ng career nila at pruweba rito ang dumagsang fans sa Viva Café para sa kanilang first showbiz anniversary.
As in apaw that night ang Viva Café.
Na sinulit naman ng grupo, super hataw sila at pinagbigyan ang request ng fans na nakipagpuyatan sa kanilang anniversary show.
Kaya naman todo ang pasasalamat ng mga miyembro ng Magic Boyz na sina Jhon Mark Marcia, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane- (composer ng grupo), Asher Bobis, at ang pinakabago sa grupo na si Jorge Guda, sa anniversary concert na certified successful.
At ang napansin ng maraming nanood, mas magaling na sila ngayong mag-perform. Malaki kumbaga ang inimprub ng kanyang pagkanta at pagsayaw kesa noong unang sabak nila sa concert.
And opkors, ang lakas ng karisma nila. Benta sa female fans na panay ang tili sa panghaharot nila.
At may bagong style silang ipinakita na ngayon lang nila ginawa.
Kabilang sa mga kanta na ginalingan nila talaga ay ang mga original song nilang Wag Mo Akong Titigan at Bintana na ang lakas maka-LSS (last song syn-drome).
Kaya naman hindi raw nila maipaliwanag ang nararamdaman nung gabing ‘yun. May pagka-surreal pa : “Sobrang saya, maraming struggle na nangyari. Hindi ma-explain. May mga nagkasakit, napaos sa kakakanta. Pero nakaya naman at naitawid namin.
“Marami ring ginawang preparations sa first anniversary concert. Dito namin ibinuhos ‘yung full pack performance talaga namin.
“Kailangan din na upgraded ang Magic Voyz sa anniversary namin at nakatutuwa at nakaka-overwhelm na one year na ang Magic Voyz,” pahayag
ni Jhon.
Sabi naman ng bago nilang miyembro na si Jorge : “I’m so grateful and happy to be part of an excellent group, ang Magic Voyz. At looking forward ako sa mas maraming event at shows ng grupo.
“Sobrang blessed and at the same time sobrang saya at sobrang worth it lahat ng sacrifices ng bawat isa. Bawat training, sobrang grateful na nakasama ako sa grupong ito.”
Sabi ulit ni Johan : “May mga new song na iri-release na hindi lang isa kundi marami na. Kasi hindi lang ako ang nagko-compose ng kanta. Nandiyan din sina Mhack, Asher, Mark na marurunong na ring mag-compose. Kaya apat na kaming magki-create ng magic para sa Magic Voyz.”
At ang mina-manifest nila ngayon ay makapag-perform sa mas malaking stage na ‘pag daw nangyari ‘yun ay mas gagalingan pa nila.
“Isa iyon sa ipinagdarasal namin na mabigyan ng chance,” sabi naman ni Rave.
Kaya naman super proud ang manager ng grupo na si Lito de Guzman.
Dahil doon, plinano niya na dalhin na ang kanyang mga alaga sa mas malaking venue, Music Museum.
“Grabe ang siksikan sa tuwing magso-show ang Magic Voyz. Marami ang nagme-message pa na gusto nilang mapanood ang mga bata kaya naman pag-hahandaan naming mabuti dahil sa next show nila sa big venue na sila,” saad ni Lito.
Iri-release na rin daw ng grupo ang bago nilang kanta, ang Tampo, sa ilalim pa rin ng Viva Records.
