Uy parang all is well that ends well kina Maine Mendoza at Miles Ocampo.
Super chikahan na ulit sila sa Eat Bulaga.
Kaya naman nagbubunyi ang loyal viewers ng programa na magkatabi na ulit sila habang nagho-host.
Maraming nakapansin na lagi silang magkahiwalay these past few weeks ‘pag andun sa programa. Tapos nagbakasyon pa si Maine.
But obviously, naayos at chika na ulit sila.
Iisa ang management team nina Maine at Miles. In fact, isa pa nga si Maine sa nag-welcome kay Miles sa All Access to Artists (Triple A) nang magkaroon ito ng media announcement.
May ilang nakapansin na nag-unfollow si Maine kay Miles kamakailan.
Marami ang nagulat na may ganung nangyari.
