Maja at Shaina, may homecoming prod!


Ibigay ang iyong pinakamatikas na saludo para sa mga empowered na kababaihan dahil itatampok sa ASAP ang mga nakamamanghang performance mula kina KZ Tandingan, Lovi Poe, Maja Salvador, Shaina Magdayao, at marami pang iba ngayong Linggo (Marso 9) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Maghanda para sa ASAP homecoming MASH prod nina Maja at Shaina, sa birthday celebration ng OPM icon na si KZ, at sa epic opening performance mula kay Lovi, na sasamahan nina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Morissette, Jona, Belle Mariano, Loisa Andalio, Chie Filomeno, Anji Salvacion, AC Bonifacio, Gela Atayde, Fyang Smith, Rain Celmar, Kolette Madelo, Kai Montinola, pati na rin nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos, Donny Pangilinan, Darren Espanto, at Kyle Echarri.

Mabighani sa galing ni Maymay dahil magtatanghal siya ng kanyang bagong single na Paradise. Tuloy lang ang saya dahil may homecoming tribute rin para kay Lani Misalucha kasama sina Gary, Ogie, Angeline, Yeng, Martin, Erik, Regine, at Zsa Zsa. Abangan naman ang isang nakakapanabik na dance number mula kina Loisa, Anji, at Chie, ang sing and dance performance ni Maymay Entrata, at nakaka-excite na duet mula kina Morissette at Martin.

Samantala, huwag palampasin ang mga hatawan nina Gary, Ken San Jose, Jeremy Glinoga, JM Ibarra, at Jameson Blake, at Supah Dancers na sina Darren, Gela, at AC. Pakinggan rin ang harana ng Rockoustic Heartthrobs na sina Jarren Garcia, Kobie Brown, Luke Alford, Blackburn, at Anthony Meneses, at OPM band na December Avenue.

Makikisaya rin ngayong Linggo ang mga host na sina Robi Domingo, Edward Barber, Darren, Donny, Belle, at Maymay!

Mapapanood ito ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, ASAP, 12 nn sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.