Hindi na lang basta magkaibigan sina Maja Salvador at Beautederm founder Rhea Anicoche-Tan. Business partners na sila.
Nagtayo sila ng bagong kumpanya, ang Reigning Majesty Corporation na sister company ng Beautederm. Isa si Maja sa pioneer A-list endorsers ng Beautederm.
At ang Reigning Majesty Corporation ang katuparan ng matagal nang pangarap ni Maja na magkaroon ng sariling brand ng body care na pinangalanan niyang Majeskin.
Kaya naman todo-suporta si Miss Rhea sa inaanak niya sa kasal – sina Maja at Rambo Nuñez at nagkaroon na ito ng launching sa Incanta Cave nitong Biyernes.
Doon ay ibinida ng aktres ang main products ng Majeskin na Calming Body Wash (Chamomile Scent), Calming Body Scrub (Chamomile Scent), Calming Body Lotion (Chamomile Scent), Nourishing Body Wash (Milk Scent), Nourishing Body Scrub (Milk Scent) at Nourishing Body Lotion (Milk Scent).
“I feel so loved, maraming salamat to my friends, to my family. Itong Majeskin, isa lang siyang pangarap. It became real because of my husband, our friend, Abby, and of course, with the help of Manang Rhea,” ani Maja dahil full force ang mga kapamilya ni Maja sa Beautederm, tulad nina Bulacan Vice Gov. Alex Castro, Sunshine Garcia, Alma Concepcion, Darla, Thou Reyes, pati na mga kaibigan sa industriya na sina Maine Mendoza, Ciara Sotto, Dolly de Leon, Drs. Aivee at Z Teo ng Aivee Clinic at marami pang iba.
Parehong Ilocana sina Maja at Ms. Rei kaya naman malaki ang tiwala nila sa isa’t isa.
“Maja and I have always desired to work together. When queens come together, they create something majestic. Maja exemplifies everything a queen should be: Authentic, determined, passionate and creative. And as beauty entrepreneurs, we must not just serve ‘face cards’ but also deliver a glow that goes beyond the surface,” sabi ng batang negosyante.
“Finding glow beyond the surface is similar to finding a female friendship in which, despite differences, there’s a common purpose of uplifting each other,” dagdag pa niya sa bagong kolaborasyon nilang ito ni Maja sa kanyang kumpanya na mahigit 16 years nang namamayagpag sa skincare business.
Anyway, negosyante na talaga si Maja bukod pa sa naipanalo ang inendorso niyang partylist, ang Solid North.
Kaya sulit diumano talaga ang talent fee nito sa pag-eendorso.
Binanggit ng source kung magkano ang talent fee ni Maja at dun pa lang, pwede na sanang magpapitik-pitik ang actress.
Pero heto at pinasok na rin ang skincare business na marami talaga ang yumayaman dahil lahat ng tao more than anything else ay prioridad ang gumanda para sa kanilang mga social media page.
