Manny at Jinkee, honeymooners sa Italy


Honeymooners ang peg nina Manny and Jinkee Pacquiao sa Positano, Amalfi Coast, Italy.

Pulos lang sila pasyal at kain.

At ang daming nagpapa-sign ng autograph/photo op sa Pambansang Kamao na mga Italyano.

Ang saya. Ibang-iba sana ang sitwasyon kung nanalong senador si Pacquiao.

Sana hindi sila nakakapasyal ng ganun. At sana kasama si Pacquiao sa nagpulong sa Senado kahapon para magpasya kung bubuksan ang paglilitis kay VP Sara Duterte kasunod ng desisyon ng Supreme Court na ‘wag na itong ituloy.

Kasabay sana ng pagiging abala nilang mag-asawa sa pagtulong sa mga sinalanta ng mga nakaraang bagyo.

Ngayon, chill, relax at enjoying life ang kanilang pamilya matapos ang laban niya kay Mario Barrios na draw ang resulta.