Mapua niresbakan ng Benilde | Pilipino Star Ngayon


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

November 5, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Niresbakan ng College of St. Benilde ang nagdedepensang Mapua University, 75-65, sa kanilang finals re­match sa crossover eli­mi­nations ng Season 101 men’s basketball tournament kahapon sa Rizal Me­morial Co­liseum sa Manila City.

Nagpasabog si Tony Ynot ng team-high 25 points tampok ang limang three-point shots para sa 6-3 record ng Blazers sa Group B.

Humakot si reigning MVP Allen Liwag ng 12 mar­kers at 10 rebounds bagama’t naglaro na may shoulder injury sa kabuuan ng fourth quarter.

Umiskor si Cyrus Cuenco ng 14 points para sa 4-5 marka ng Cardinals sa Group A, habang tumapos si Clint Escamis na may 11 markers.

Sa ikalawang laro, apat na triples ang isinalpak ni Joshua Moralejo sa fourth quarter sa 78-66 pagsapaw ng Lyceum Pirates sa San Beda Red Lions.

Itinaas ng Pirates ang ka­nilang baraha sa 2-7 sa Group A at inilaglag ang Red Lions sa 6-3 sa Group B.