Tuwang-tuwa ang mga teacher sa acceptance speech ni Marian Rivera nang manalong Best Actress sa katatapos na 8th Eddys o Entertainment Editors Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) na ginanap noong Linggo ng gabi sa Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts.
Bahagi ng speech ni Marian: “Sinasabi ko nga, siguro kung hindi ako naging artista, isa akong teacher kasi pangarap ko maging teacher. At habang ginagawa ko kasi ‘yung Balota (ang pelikulang nagpanalo sa kanya), marami akong realization sa buhay ko na ito pala ‘yung hinahanap ng espiritu ko, ng kaluluwa ko.
“Na gumawa ng isang pelikula na hindi ko iniisip ‘yung itsura ko. Aarte lang ako, na naaayon sa emosyon at mga eksenang dapat kong gampanan. Kaya naman, sabi ko, ‘yung mga teacher talaga, ‘yung pagbubuwis nila ng buhay para bantayan ang mga boto ng bayan. Ibang klase talaga ang ginagawa nilang trabaho at hindi ‘yun madali para sa kanila. Kaya naman ngayong gabing ito, nais kong ibahagi ang tropeong ito sa lahat ng guro. Na hindi lang dahil sa pagbabantay ng mga balota o pagboto natin, kundi sa araw-araw na pagtuturo sa mga estudyante. Walang sawa na nagiging pangalawang magulang ng mga estudyante,» banggit ng aktres.
At isa sa nakalaban ni Marian na present nung gabing ‘yun si Jane Oineza na bumida sa pelikulang Love Child na isa rin sa Best Picture nominees.
Anyway, grateful si Jane sa nakuhang nomination at pakiramdam niya ay nanalo na rin siya. “Being nominated alongside actresses I look up to is already a win for me . Heartfelt thanks to the Eddys Awards for this honor and for celebrating Lovechild across multiple categories! ” aniya sa kanyang post na mahusay rin naman talaga ang pagkakaganap bilang isang batang ina na ang tindi ng pinagdaanang pagsubok para sa anak na may special needs sa Love Child.
Ganundin ang post ni Jackie Lou Blanco na umawit para sa special tribute sa inang si Pilita Corrales: “My look for the 8th Eddys Awards. It was such a beautiful honor to sing one of my Mom’s most beloved songs. What made the night even more special was that my entire look was inspired by her. I even wore her jewelry. It truly felt like she was right there with me. At syempre meron pang pa bts shots ang anak ko. Haha.
«Thank you again to Eddy’s Awards for giving me a chance to pay tribute to my Mom in such a meaningful way.”
Binigyan din ng special tribute sa EDDYS sina National Artist Nora Aunor, Nay Lolit Solis, Mother Lily Monteverde and Gloria Romero.
