Marian,nagsalita sa isyu ng gastador


Masinop sa pera si Marian Rivera lalo na noong nagsisimula pa lamang sa show business. Ayon sa Kapuso actress ay talagang marunong siyang humawak ng salapi para sa pamilya. “Hindi ako gastador talaga. Siguro gumagastos na lang ako ngayon lang. Pero no’ng nagsisimula talaga ako sa showbiz kung ire-rewind mo ‘yan, wala ka talaga makikita ni ano mang luho sa akin. Ang priority ko talaga noon makaipon talaga. Bawat proyekto ko, may ini-invest ako. Dati kasi ang iniisip ko sarili ko lang at ‘yung extended family ko. Ngayon kasi may sarili na akong pamilya, may dalawang anak ako. Siyempre sino ba namang magulang ang ayaw maging mabuti ang buhay ng anak nila, ‘di ba? So ‘yan ang goal naming mag-asawa,” nakangiting pahayag ni Marian.

Magsasampung taong gulang na ngayon ang panganay na anak nina Marian at Dindong Dantes na si Zia. Ang bunsong anak na si Sixto naman ay mag-aanim na taong gulang na sa susunod na buwan. Nagpaplano na umano si Marian na turuan din ang mga anak tungkol sa paghawak ng pera kapag nasa hustong gulang na ang dalawa. “So far hindi pa sila nakakahawak ng pera. Siyempre dadating ang pagkakataon na lalaki mga ‘yan at kailangan naming turuang mag-asawa kung paano humandle ng mga sitwasyon. Siyempre may awareness sila kapag bumibili ka ng stuffed toy at may card ka na gamit or may money ka binabayad o may binibigay ka. Siguro ilang years pa, for now kami munang mag-asawa at ‘yung mga kasama namin sa buhay, higit lalo ‘yung pamilya ko,” paliwanag niya.

Si Marian ang mismong nag-aasikaso sa lahat ng kanilang mga bayarin sa bahay. “Naka-task talaga ako sa mga bills. Pero binibigay ng asawa ko ‘yung pera. Ultimo kuryente namin, Maynilad, phone bills and everything, lahat ‘yon naka-task sa akin. Si Dong kasi nag-head of the family so hanggang walang komosyong nangyayari, hindi siya eentra diyan. So ako lahat ‘yon. Sa akin muna ang computation tapos pupunta ako sa office ng asawa ko for the bills. Sa asawa ko ‘yon lahat. Ako lang nag-a-arrange at nag-o-organize. Malinaw ‘yung roles kasi you want to be a role model para sa mga anak mo,” pagdedetalye ng Kapuso actress.

Gelli at Ariel, maraming nalampasang pagsubok

Mahigit dalawampu’t pitong taon nang kasal sina Gelli de Belen at Ariel Rivera. Sa loob ng halos tatlong dekada ay maraming pagsubok na ang nalampasan ng mag-asawa. “Maraming challenges kasi ang daming stages. Una sobrang in love, then of course when you get into the house and live together, you are adjusting. And then may anak na, adjust na naman. There are different levels and phases that we had to go through and I had to adjust to, which we obviously we were able to. And the big, big factor there is, I think talaga, we wanted to really focus on the family. Career was a big part of our life but the number one was our children, was our family,” makahulugang paliwanag ni Gelli sa YouTube channel ni Pops Fernandez.

Sa Canada na naninirahan ang dalawang binatang anak ng mag-asawa na sina Joaquin at Julio. Mas napalapit umano sina Gelli at Ariel sa isa’t isa ngayong hindi na kasama ang mga anak. “You grow as individual, I think. There’s always something new to talk about. There’s always something new to discover and to experience with that person. We are in showbiz. There are times na super busy siya, or he goes outside of the country. Pag-uwi niya, parang miss namin ang isat’ isa. Now that the kids live in Canada, no’ng pag-alis nila, parang feeling ko mas na-solidify pa kami. Parang we are closer even now than we were before,” paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)