Maricel, masama ang pakiramdam sa 60th birthday celebration


Natuloy na pala finally ang 60th birthday celebration ni Diamond Star Maricel Soriano noong isang gabi na ginanap sa New Frontier Theater.

Well attended ng malalapit na kapa­milya at kaibigan ni Maricel ang nasabing party base sa mga posting sa social media.

Ganda ng setup at parang ang sarap ng food.

Super star-studded of course.

Pero masama diumano ang pakiramdam ni Marya that night. Iniinda raw nito ang sakit sa likod.

Kaya pala halos lagi siyang nakaupo sa lumabas na mga pictorial niya sa nasabing party.

Hindi raw gaanong makalakad ang Diamond Star at kung tatayo naman diumano ay nahihirapan dahil nga sa back pain.

Pero ang ganda-ganda ni Marya that night sa suot niyang light pink.

Mukhang na-enjoy niya ang ang celebration ng kanyang pagsalubong sa pagiging senior citizen.