October 20, 2025 | 12:00am
Nakaramdam ng takot noon si Maureen Larrazabal dahil sa kanyang dalawang supling. Hindi tunay na mga anak ang dalawa kaya para sa aktres ay posibleng magrebelde ang mga ito balang araw. “Kasi hindi biological. Ang takot ko hindi nila maintindihan why, tapos magrebelde. Hindi nila ako tinanong actually. Pero sinabi at binitawan na lang nila one day na, ‘We know that you’re not our real parent. But we love you so much that we don’t care to know who our parents are.’ Doon pa lang hindi na ako binigyan ng hirap na mag-explain ng mga anak ko. And because of that, I’m really very thankful and grateful to them. Because ‘yon ‘yung kinakatakot ko na hindi ko kayang i-explain paano. So very grateful ako no’ng finally sila na mismo nagsabi na. Tinanong ko rin sila. ‘Do you wanna see your parents? Do you wanna know?’ sa kanila, ‘No, it’s not important anymore, Mom,’” emosyonal na pagbabahagi sa amin ni Maureen sa Fast Talk with Boy Abunda.
Bilang isang magulang ay ginampanan ni Maureen ang lahat ng mga tungkulin upang mapalaki nang maayos ang mga anak.
“Very hands-on ako. I’m always there kung kailangan nila ako. Everyday ko silang kausap. I’m very close to my daughter. Nineteen (years old) na siya but she sleeps beside me. So gano’n kami ka-close. Kilala ko ‘yung mga manliligaw niya. Nakikialam ako kung saan pupunta pero hindi ko pinapakialaman ang friends niya,” kwento ng aktres.
Kinikilalang mabuti ng Kapuso actress ang manliligaw ng anak. Ipinaaalam ni Maureen sa mga anak kung ano ang kanyang opinyon tungkol sa nakakahalubilo ng mga ito.
“Sinasabi ko ang opinyon ko, normal ‘yon. ‘I don’t think maganda ang influence niya sa iyo anak.’ Dahil nakikita ko sa TikTok kapag sumasayaw siya. Wala lang, tanggap nila ako eh. Makikialam talaga, nando’n kasi ang concern mo,” kwento niya.
Mahigit dalawang dekada nang magkarelasyon si Maureen at ang non-showbiz boyfriend. Ayon sa aktres ay wala na silang planong magpakasal ng kanyang nobyo.
“Yes, ako kasi very particular ako sa ‘yung mag-aaway tayo tapos mahihirapan tayo. We love each other. We’ll be together. It’s a choice. It’s easy to fall in love, but to stay in love is very difficult. It’s a choice that you have to make everyday. So, choice ko to be with you. It doesn’t matter kung kasal tayo or not,” makahulugang paliwanag ng Kapuso actress.
(Reports from JCC)
