September 19, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Bukod sa parating na PBA Season 50 Philippine Cup ay pinaghahandaan din ng Meralco ang 2025-2026 East Asia Super League (EASL) season sa susunod na buwan.
Idedepensa ng Bolts ang kanilang korona sa Philippine Cup na napanalunan nila laban sa bigating San Miguel Beermen noong nakaraang taon.
Magbubukas ang PBA Season 50 sa Oktubre 5 tampok ang Philippine Cup.
Sa kasagsagan ng kanilang pagtatanggol sa titulo ay sasabak ang Meralco sa EASL sa Oktubre 22 kung saan nila lalabanan ang Japan B.League powerhouse Ryukyu Golden Kings sa Okinawa.
Si team captain Chris Newsome ang mangunguna sa kampanya ng Bolts sa PBA Philippine Cup at sa EASL kung saan nila ipaparada sina Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee at dating NBA player Rondae Hollis-Jefferson. Bahagi rin ang Fil-Am veteran guard ng Gilas Pilipinas pool.
“It’s not something that I run from it,” ani Newsome. “It’s actually something that I openly accept because anytime you represent the country, whether it’s your club team or Gilas, I’m always going to be there, and I’ll always put my best foot forward.”
Ang Meralco lamang ang kinatawan ng PBA sa EASL
Bukod kina Brownlee at Hollis-Jefferson ay ipaparada rin ng Bolts sa home-and-away league si Puerto Rico national team member Ismael Romero.
Sa Nobyembre 2 ay haharapin ng Bolts ang P.League+ champion Taoyuan Pilots sa Taiwan.