Meteor Garden mapapanood ulit, bilyun-bilyon ni Barbie Hsu pinaghatian ng asawa at anak


Pinaghatiaan pala ang mga asset ng yumaong Meteor Garden star na si Barbie Hsu ng kanyang dalawang anak at asawang si DJ Koo.

Ayon sa ulat ng Taiwan media, kinumpirma ng South Korean DJ na ang kabuuang ari-arian ni Barbie na 600 million Yuan o P4.7 billion ay ibibigay sa kanya at sa kanyang 10-year old na anak na babae at 8-anyos na anak na lalaki.

Dahil ang mga bata ay parehong menor de edad, ang kanilang ama diumano na si Wang Xiaofei ang mamamahala sa kanilang mga bahagi ng naiwan ng ina hanggang sa maabot nila ang legal na edad.

Sinabi rin diumano ng DJ na ibibigay niya ang kanyang bahagi ng mga ari-arian ni Barbie sa kanyang ina.

Namatay ang Taiwanese actress na bida sa sikat na TV drama na Meteor Garden matapos magkaroon ng pneumonia na dulot ng trangkas sa edad na 48 habang nagbabakasyon sa Japan.

Samantala, nagbabalik ang iconic Taiwanese drama na Meteor Garden  na pinagbibidahan nina Jerry Yan at Barbie Hsu sa iWantTFC 48 hours in advance na nagsimula na noong March 8 (Sabado).

Muling subaybayan ang hindi malilimutang pag-iibigan nina Shan Cai (Barbie Hsu) at Dao Mig Si (Jerry Yan) na nagpaluha at nagpatibok sa mga puso ng Pinoy kasama ang solid na barkadahan ng iba pang F4 na sina Huaze Lei (Vic Chou), Meizuo (Vanness Wu), at Ximen (Ken Chu) na nag-premiere rin sa Kapamilya Channel at A2Z simula kahapon, Lunes.

Magmula nang unang umere ito ng taon 2003, nananatili pa rin isa ang Meteor Garden, sa iconic Asian dramas na pumukaw ng interes at pagmamahal ng Pinoy sa Asianovela.

Joel Torre super proud sa anak na nag-design ng sapatos ng WNBA superstar

Super proud ang actor na si Joel Torre sa anak na si Aila Torre na isa sa nag-design ng Sabrina 2 Nike Shoes para sa WNBA legend na Sabrina Ionescu na kasalukuyang na bansa na proyekto ng isang concept store.

Si Aila ay isa ring former player ng Ateneo Lady Eagles.

Ayon sa isang sports article, ang anak ng award winning actor at businesssman ay may double degree sa Ateneo de Manila at University at University of the Philippines Diliman, at nagtapos ng AB Communications and CFA Visual Communications sa dalawang nabanggit na eskwelahan.

Ito rin pala ay graphic designer ng UAAP na siyang illustrator ng JT’s Manukan Grille ayon sa article ng ABS-CBN.com.

“Thank You so much Aila Torre for the Sabrina 2 Nike Shoes She  Designed For WNBA Legend Sabrina Ionescu. Super Proud Dad!!!.,” post ng award winning actor.

Si Aila ay eldest naman sa dalawang anak na babae ng mag-asawang Joel at Christy Azcona-Torre.

Ang kanyang younger sister Marella (Maria Raphaela).

Ang bunso nila ay napanood na sa ilang indie films at lumabas na rin sa La Luna Sangre ganundin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Melai, nakawala kay kuya

Parang ang daming ganap sa PBB Celebrity Collab Edition lalo na at andun si Ivana Alawi bilang house guest.

Pero ang akala ng lahat papasok din si Melai Cantiveros pero pinalabas din daw siya.

“Guys nakalabas na ako ng bahay ni kuya , di na ako nakaupdate kagabi kasi sa sala na ako hinintay at naglablab na agad kmi ng mga La Maingay kung Familia Muntikan na kami kagabi , pa madaling araw ba kaming pinalabas ni BigBrother, and. Na BigBOTHER tlaga ako ui kasi pag kakaalam ko Host ako e yun ang usapan tapos naging housmate hahahah pero nakakagigil dn kayu ate @iamsuperbianca and @iamrobidomingo robi d baaaaa

“Pero Labyu BigBrother nakakamis ka , pero ang pagka mis ko sayu , kaya na kita e Love from a far,” post ni Melai na sa PBB talaga nag-umpisa ang career.

Trending ang mga ganap sa loob ng PBB house at ang dami talagang nagpo-post sa Twitter (X).