Mga beauty queen na sina Michelle at Chelsea, may away!


‘Kaloka naman na may intriga pala ngayon sa mga beauty queen na sina Chelsea Manalo, Michelle Dee at Ahtisa Manalo.

In-unfollow raw ni Chelsea ang mga kapwa niya Miss Universe Philippines queens na sina Michelle at Ahtisa.

Kino­nek nila iyon sa cryptic post ni Michelle kung saan sey niya “practice what you preach.”

At talaga raw tinutukan ng mga marites ang social media account ng tatlo ha.

Matapos ngang mag-trending ang isyung pag-unfollow ay naka-follow na raw ulit ito.

May mga dumepensa pa na mukhang glitch lang daw iyon at nauna pa raw ang post ni Michelle bago pa ang pag-unfollow.

Baka wala naman talagang issue. ‘Kaloka naman kung ganun tapos nag-trending at kung anu-ano na ang sinabi nila at akusa kay Chelsea.

Nagkagulo pa nga ang fans at bashers na fake news daw iyon kaya lang may mga nagsasabi na hindi raw talaga naka-follow nung una.

‘Katawa naman ang mga komento na kung totoo raw ang hidwaan sa kanila ay huwag na raw makialam dahil away ng magaganda iyon at Englishan daw ang labanan sa pagitan nila.

Kung panget daw ay walang karapatang makisali.

Pero kung totoo ngang may hidwaan sila huwag na sana silang magparinigan.

Hindi bongga ‘yun sa gaya nilang beauty queen.

Well, ano nga bang pake ko sa kanila. Hahaha.

Sawsaw lang me sa mga isyu-isyu na wala akong kinalaman na epekto ng akong pagka-bore dahil hindi na ako gaanong nakakalabas ng bahay sa kasalukuyan.