Mainit na pinag-usapan sa bawat sulok ng entertainment industry ang Senate Bill 2805 na ipinasa ni Sen. Robinhood Padilla. Nasa third at final reading na ito na lubhang ikina-react ng karamihan na filmmakers pati ang artista.
Matindi ang inilabas na pahayag ng Directors Guild of the Philippines, Inc. o DGPI kaugnay sa isyung ito na palalawakin ang kapangyarihan ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).
Bale saklaw na nito ang online streaming platforms, and online curated content providers (OCCs) at streaming videos on-demand (SVOD).
Bale ang mga streaming service kagaya ng Netflix ay idaraan na rin sa naturang ahensya.
Kaagad na inalmahan ito ng film producers, director at mga artista.
Bahagi ng statement na inilabas ng DGPI kahapon, “The DGPI strongly opposes Senate Bill No. 2805 that strengthens the MTRCB and extends its censorship jurisdiction into the online streaming spaces of our private homes, personal computers, phones, and devices.
“In its Declaration of Policy, the proposed law deletes the current law’s intentions for self-regulation of the film/TV industries and converts the MTRCB into a parens patriae (parent of the country), concentrating instead on its self-anointed role as guardian of public morals — a narrow reading of the State’s protective function as it serves only those who find it convenient to yield their parental guardian duties to the MTRCB.”
Nagpahayag din ang DGPI na umaayon sila sa classification, pero sa ipinapasang batas na ito ay tila kino-control na ang kalayaan ng mga manonood lalo na ang mga kabataan, na sinasabi nilang para sa proteksyon ng mga kabataan.
Nasa batas naman ayon sa inilabas na statement na nandiyan ang Constitution ng Universal Declaration of Human Rights ng UN. Kaya redundant lang daw itong isinasabatas na ito.
Dagdag pang pahayag ng DGPI, “NO to censorship, State control of hearts and minds, discrimination, use of the MTRCB as cash cow, and the MTRCB’s incursion into streaming. YES to freedom of expression, freedom of access to expression, respect for the filmmaker’s and the public’s hearts and minds.
“NO to Senate Bill No. 2805.”
Kaagad na naglabas ng statement ang MTRCB kaugnay sa statement na inilabas ng DGPI.
Nag-react sila sa sinasabing “cash cow” ang MTRCB ng ating gobyerno.
Aniya, “This is an unfair and baseless claim. The MTRCB is a government agency with a clear mandate to protect the public, most especially children, from harmful content. To describe our mandate as profit-driven is both misleading and disrespectful to the 31 board members, many of whom the DGPI knows and may have worked with in the past. The remark disrespects the dedicated men and women of the MTRCB who have devoted their careers to monitoring, reviewing and rating thousands of local and international materials to ensure they align with contemporary Filipino cultural values. These 31 Board Members are the ones who actually review and classify the materials submitted to the MTRCB.
“We categorically reject this unfounded accusation. The MTRCB is a regulatory body created by law to classify content in a way that protects the viewing public, especially minors, while recognizing constitutional freedoms and respecting the rights of the public and the stakeholders we are duty bound to serve.”
Pinagdiinan din nilang nasa third and final reading pa lamang ito at pag-uusapan pa ito sa Kongreso.
Bukod pa riyan ay tatapusin pa ang 19th Congress at saka pa ito ipagpatuloy sa 20th Congress. Kaya matagal na raw ito.
Pero ito na nga kasi ang kinatatakutan ng filmmakers kung sakaling maisabatas na itong pagpapalawak ng kapangyarihan ng MTRCB.
Kaya tiyak na marami pang may magsasalita tungkol sa isyung ito.
Nahingan ko ng opinyon ang ilang beteranong artista na mas maraming alam sa industriyang ito.
Nasa look test ako ng pelikulang I’m Perfect kahapon at doon ko nakausap at nahingan ng opinyon si Lorna Tolentino na dati ring nagtrabaho sa MTRCB.
Kontra rin siya sa ipinapasang Senate Bill 2805 na ito.
Hindi naman daw kailangang sakupin pa ng MTRCB itong streaming services.
“Sa akin hindi na. Kasi nga dumaan na sila sa ano e… bago man ipalabas sa Netflix may dinaanan na rin. May dinaanan na silang regulatory board, lalo na ang mga foreign films.
“Kasi may nakalagay naman dun e. ‘Pag nanood ka sa Netflix may nakalagay naman dun ‘di ba?” pakli ni Lorna T.
Nasa tahanan naman daw natin napapanood itong mga ganitong streaming service. At obligasyon na ng mga magulang kung paano nila protektahan ang kanilang mga anak.
“‘Yung mga manonood naman kontrolado naman ng magulang kung ang mga anak nila ayaw nilang papanoorin sa Netflix.
“E di tanggalin nila ‘yung Netflix kung ayaw nila.
“Kung hindi nila nababantayan ang mga anak nila, huwag na sila mag-subscribe,” diretsahan niyang pahayag.
Sabi pa ni Lorna, “Para namang ano… marami namang dapat na ipasa na batas. ‘Yung ‘pag tungkol sa health, ‘yan mas marami tayong pag-usapan diyan. Mas madami pa dapat maayos na tungkol sa mga hospital, ‘di ba?
“Sa ibang bansa, ang gaganda ng hospital nila. Ang ganda ng mga benefit na binibigay sa citizens nila lalo na when it comes to health. Sana dun na lang. ‘Yun ang mas pagtuunan nila ng pansin, ‘yung mga health issues, education, agriculture.”
May sarili ring opinyon si Janice de Belen na nakikinig sa pinag-uusapan namin.
Sabi ni Janice, “Sa akin ha? Magulang ako. May mga times na nagugulat din ako sa napapanood mo. But at the same time, ‘pag lalo mong sine-censor, paano ‘yung freedom? Kasi may mga bagay na puwedeng i-censor, may mga bagay na huwag naman.
“I believe in regulation more than censorship. I believe that you should also trust that the parents will be able to fix that na masasabi nila sa mga anak nila kung ano ‘yung dapat at hindi dapat na panoorin.”
Kapag patuloy na sinisikil o kino-control ang panonoorin ng mga kabataan, mas lalo pa raw sila naging curious at nagkakaroon pa raw ng malisya, sabi naman ni Joey Marquez.
