Lubos ang pasasalamat ng mister ng content creator at former actress na si Neri Naig, ang frontman ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda, na na-dismiss ang kasong syndicated estafa ng kanyang misis.
Kahapon nga inilabas ni Chito ang decision ng Pasay Regional Court sa pagpapawalang sala sa mga kaso na may kaugnayan sa isang derma clinic ni Neri.
Bukod sa syndicated estafa, nilinis din ang pangalan ni Neri sa paglabag sa Securities Regulation Code matapos na ibasura ng Pasay City court ang lahat ng mga kaso laban sa kanya.
Aniya sa post kalakip ang decision ng korte :
“ Thank You, Lord.
“Mabuti nalang talaga na alam ni Lord ang buong katotohanan kaya never Nya pinabayaan si Neri.
“Sobrang blessed din kami dahil the people who matter knew the truth as well, and did everything they could to help and support her.
“We are so thankful that she was eventually given the chance to defend herself, and her side of the story,” bahagi ng post ni Chito.
Pagtatanggol pa niya sa misis :
“Neri is such a kind and trustworthy person, and those who know her, know that.
“Alam din ng lahat na sobrang hardworking nya.
“Ang problema lang talaga minsan ay masyado syang mabait at matulungin, kaya madalas syang naaabuso, at napapahamak.”
Si Rufa Mae Quinto kaya, kumusta na ang kaso? On bail sa kasalukuyan si Rufa Mae dahil din sa syndicated estafa sa kaparehong kumpanya.
