September 14, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Masaya si Micah Christenson na muling makabalik sa Pilipinas para sa maglaro sa harap ng mga Pinoy fans sa 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship.
Kitang-kita ni Christenson ang mainit na pagtanggap ng mga Pilnoy sa Team USA at sa iba pang bansang kalahok sa torneo.
Damang-dama ni Christenson ang suporta ng mga Pilipino dahilan upang ganahan ang Team USA na mabilis na inilampaso ang Colombia, 25-20, 25-21, 25-14, sa kanilang unang laro kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“It’s always so special for us. It’s almost like, we don’t expect any extra support, and I have been here for two years in a row now, and it’s always an overwhelming support in the best way possible,” ani Christenson.
Kabilang sa mga pinuri nito si Creamline team captain Alyssa Valdez na nanguna sa pagpaparamdam ng Filipino hospitality.
“She’s been super kind in terms of ‘if there’s anything you guys need, we’re here to help out,” ani Christenson sa ‘Phenom’.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkita sina Christenson at Valdez.
Matatandaang nagkrus ang kanilang mga landas noong nakaraang taon nang maglaro rin ang Team USA sa Volley Nations League na ginanap din sa MOA Arena.
“That’s just like an embodiment of the Filipino culture just being so kind and generous,” dagdag ni Christenson kay Valdez.
