Hindi na raw talaga mauulit ang Manila International Film Festival (MIFF).
Diumano’y may naganap na sibakan sa mga namumuno nito dahil sa mga naganap na kapalpakan noong March sa Los Angeles.
Dinaluhan ito ng maraming stakeholders at ilang government officials kasama si First Lady Liza Marcos. Pero ang dami raw palpak at hindi organized ayon sa ilang source.
Kaya wala na raw ulit MIFF na pakiramdam ng ibang andun ay wala namang naitutulong sa movie industry kundi nagagastusan pa raw ang ibang mga producer at hindi naman diumano kumikita.