Mikee, pinagdududahan na tibo?! | Pilipino Star Ngayon


Kaya naiisyung tomboy si Mikee Quintos dahil nanghahalik ng girls. Gaya na lang sa isang tsikahan nila nina Ysabel Ortega at Julie Anne San Jose na ginaya ang eksena ni Klarisse de Guzman sa Bahay ni Kuya.

Ito ‘yung sinabi ni Klarisse na OA at nag-sorry na naapakan daw niya ang love team nina Dustin Yu at Bianca de Vera. Ginaya ‘yun ng tatlo at si Ysabel ang nag-dialogue at sina Julie at Mikee kunwari sina Dustin at Bianca.

Pagkatapos noon, nagtinginan sina Julie at Mikee at biglang kiniss ni Mikee sa cheek si Julie na ikinagulat nito at nang mag-sink in ang ginawa ni Mikee, biglang sumigaw. Natawa at natuwa ang fans ng tatlo na nakapanood sa ginawa ni Mikee sa co-star sa Slay.

May nagbiro tuloy na mabuti at hindi nagselos si Rayver Cruz. May ibang guys daw na seloso at kahit babae ang nagki-kiss sa jowa nila, pinagseselosan pa rin.

Anyway, pinupuri sina Mikee at Paul Salas dahil hindi maingay at magulo ang breakup nila. Naghiwalay sila na walang cryptic post at walang kapamilya nila ang sumali sa isyu.

Sana raw, ganu’n ang mga breakup, walang ingay at walang labasan ng mga isyu na hindi nakakatulong sa both parties.

Matteo, bumisita sa pag-asa Island!

Airing na ng Philippine Defenders, ang action documentary hosted by Matteo Guidicelli, kaya panay-panay na ang pagpapalabas ng trailer ng docu, sa May 17, 3:15 p.m.

For this docu, binisita ni Matteo ang mga sundalo at local community sa Pag-asa Island na parte ng Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.

Nakipag-usap siya sa military personnel na naka-assign doon at post nito, habang nakikipag-usap, may nakita silang Chinese Coast Guard ship at napapalibutan pa ng ibang large foreign vessels.

“This visit reminded me of how vital it is to stand with our troops, protect our natural resources, and remain united in defending our sove­reignty and identity as Filipinos,” sabi niya.

Sa isa sa bagong post niya, kinuwento na sumama siya sa Balikatan ceremony na ginawa sa Bulacan. “This joint effort with our partners from the U.S., Japan, and Australia is a powerful reminder of what we can achieve when we come together, not just as allies, but as one global community.

“Through this partnership, we were able to build new classrooms and invest in what truly matters! Education, community, and the future of the Filipino youth.

“Balikatan is more than a military exercise. It’s about building bridges and great relationships! Let’s continue to strengthen these relationships, empower our communities, and world hand-in-hand for a better, brighter tomorrow.”

Ang ganda ng speech ni Matteo, napa-comment si Dingdong Dantes bilang reaction.

May mga nag-congratulate at may nagtanong kung nagsu-showbiz pa ba siya?

Nora Aunor, ‘di nauubusan ng bisita

Binisita nina Lotlot de Leon, mga anak, kapatid na si Kiko at Jericho Rosales ang puntod ng mom niyang si Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani. Makikita ang maraming bulaklak sa puntod ng Superstar.

“Two days ago we visited mom with her apo’s, and echo and my brother kiko… maayos na yung lugar where moms at.

“At araw-araw marami pa din bumibisita sa kanya. There are times I wait in the car when I visit her pag maraming tao…and I see how they pay their respects to mom. Salamat sa pagmamahal nyo sa kanya.

“Thank you sa inyo na dumadalaw at lage kayo may dalang bagong kandila at bulaklak para kay mommy. I’m sure she’s smiling from up above and masaya sya… thank you for always praying for her too.”