Mother Lily inalala sa kanyang 86th birthday, Shake…nag-umpisa nang mag-shooting


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

August 20, 2025 | 12:00am

Eighty-six years old na sana kahapon si Mother Lily Monteverde.

Kahapon nga ay inalala ang kaarawan ng Regal Matriach.

Sa post sa social media ng nasabing kumpanya ay pinarangalan nila ang buhay at legacy ni Mother Lily Monteverde sa kanyang kaarawan.

“A true pillar of Philippine cinema, she dedicated her life to nurturing stories, filmmakers, and artists who shaped generations. Her vision and passion continue to live on in every Regal film and in the hearts of those she touched.

“Happy Birthday, Mother Lily—your light and legacy will forever remain with us,” kabuuan ng post.

Sa ngayon ay ang mag-inang Roselle at Keith Monteverde na ang nagpapatakbo sa Regal Entertainment na nag-umpisa na ng shoo­ting para sa Metro Manila Filmfest (MMFF) entry nila na Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins.

Sa direksyon ni Ian Loreños, pinagbibidahan ito nila Richard Gutierrez, kasama sina Ivana Alawi, Francine Diaz, Kaila Estrada, Fyang Smith, Loisa Andalio, Manilyn Reynes, Janice de Belen, Carla Abellana, Ysabel Ortega, Ashley Ortega, Elijah Alejo, Ryan Bang, JM Ibarra, Dustin Yu and Seth Fedelin. Sina Shugo Praico at Joey De Guzman ang dalawa pang direktor ng horror trilogy na matagal ding napahinga sa MMFF.