February 16, 2025 | 12:00am
Naging usap-usapan ang pag-post ng former Azkal player na si Aly Borromeo ng ka-Valentine niya dahil tinakpan niya ang mukha ng mystery girl pero iisa ang hula ng mga netizen, si KC Concepcion daw iyon.
Nag-post ang atleta ng litrato nila na may caption na “Happy Valentine’s!!” habang may heart sticker ang mukha ng kasama niya.
Pero kahit daw takpan pa ang mukha ng mystery girl ay sobrang obvious daw ng hulma ng mukha nito at walang duda na ang anak ni Megastar Sharon Cuneta iyon.
‘Kaloka.
Naalala ko na dito sa PSN ko unang nabasa na kumpirmadong nagkabalikan sila Aly at KC dahil kilala ko ang source ni Salve.
Hahaha.
Naging magkarelasyon sina Aly at KC ilang taon na ang nakalipas kung saan isinapubliko nila iyon noong taong 2016 pero nabalitang naghiwalay sila pagkatapos ng dalawang taon.
Nagkaroon ng ispekulasyon na nagkabalikan sila nang dumalo ang anak ni Gabby Concepcion sa isang football event nakaraang taon kung saan naroon din si Aly.
Nagbahagi pa noon si KC ng mga litrato sa event at naroon nga ang ex niya.
Nang tanungin naman kamakailan ang Megastar ay tumanggi itong magsalita tungkol sa lovelife ni KC.
Sinabi nitong ang anak na mismo ang tanungin tungkol doon dahil ayaw raw niyang masira ang tiwala nito lalo na at matanda na ito.
Positibo naman ang komento ng mga netizen kung sakali raw nagkabalikan na nga ang dalawa.
Bongga.
Stay in love, KC. Umamin na kayo ni Aly noh.
