My future… ng FranSeth, nakasama sa need to stream ng ny times


Na-feature sa New York Times ang streaming worldwide ng pelikulang My Future You.

Kasama ito sa article bilang isa sa “Five Science Fiction Shows You Need to Stream Right Now!”

Kaya tuwang-tuwa ang producer nila, si Ms. Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, na hanggang sa abroad ay napansin ang pelikula nina Seth Fedelin at Francine Diaz.

Official entry sa MMFF 2024 ang My Future You at umani ito ng maraming positive review at napatunayan ng FranSeth na kaya nilang magdala ng sariling pelikula.

Kaya’t may follow-up movie na kaagad sila, She Who Must Not Be Named ayon sa Star Magic.