February 24, 2025 | 12:00am
Magbubukas na rin ng sariling restaurant si Dingdong Dantes.
Yup, magkakaroon na siya finally ng franchise ng Mesa Restaurant na magbubukas na anytime soon.
Inamin ito ng actor sa renewal of contract niya as ambassador ng nasabing Pinoy restaurant na ang isa sa mga specialty ay ang tatlong version ng laing.
Mahilig magluto ang misis niyang si Marian Rivera kaya perfect ito para sa actor.
Pang-88 branch ang magiging pag-aari ng actor.
Sa kasalukuyan ay may 80 branches na ito at may kampanyang ‘road to 100.’
Pero wala pang location ang bubuksan niyang branch pero may slight na info na malapit ito sa school ng mga anak nila ni Marian Rivera.
“Para sa akin, mas espesyal ang signing na ito dahil for me, it also signifies officially my inclusion do’n sa history ng Mesa as a brand. Dahil napag-usapan namin a couple of years ago, kapag tama na ang opportunity, eh siyempre, bilang proud Ambassador, eh kailangan talagang meron akong physical evidence na parte talaga ako ng Mesa.
“So, I just wanna announce and also tell everyone na I will soon be one of the proud partners of branch 88 ng Mesa which will be announced very, very soon ang ating location,” impormasyon ng actor sa contract-signing renewal niya sa Mesa Restaurant at Greenbelt 5.
Gusto nilang maging tambayan ito kung sakali everytime na nagsusundo sa anak. Hands-on parents ang mag-asawa kina Zia at Sixto na parehong nag-aaral sa international school.
“Sana malapit sa eskwelahan ang mahanap natin para maging tambayan namin ni Marian ‘yun kapag nag-aantay kami,” wish ng actor.
At kung meron man daw super excited sa pagbubukas nila ng restaurant, ito ay kanyang misis na kilalang magaling sa kusina.
Kaya nga raw ang isa sa specialty ni Marian ang tiyak na kasama na sa kanilang menu, ang menudo na favorite dish ng actor.
“Para sa akin, very memorable nu’ng unang beses akong nilutuan ni Marian ng kanyang menudo. Dahil ano ‘yan, eh, recipe pa ‘yun ng kanyang lola. So, kinuwento niya sa akin ‘yung history ng kanyang menudo. Sabi ko, wow, napakasarap. So, ‘yun yung parati kong nire-request sa kanya,” pagbibigay ng impormasyon ng award-winning actor sa menudo ng misis
At ang isa pang kumpisal ng aktor, hindi pa siya nagluluto kaya’t pangarap niya aniya na matuto o kaya ay mag-crash course sa pagluluto.
Though sa kasalukuyan ay malabo pa raw itong matupad dahil mas parang naisip niya na hayaan na lang ang ‘career’ na ito sa mga expert sa kusina.
Anyway, anim na taon na si Dingdong sa Mesa at ayon nga sa isa sa owners nitong si Mr. Eric Dee, hindi lang basta trabaho ang kanilang relasyon kundi naging magkaibigan na rin sila.
Madali raw kausap ang actor : “Never akong nagkaproblema dealing with Dingdong, he’s always a text away, he’s always a phone call away, sometimes nga, siya ‘yung tumatawag, ‘di ko pa nasasagot.”
Dagdag pa ni Mr. Dee : “But you know, it’s become more than just a business relationship but more of a friendship. So. we’re very happy to prolong this relationship with him and grow the brand with him.”
