Masyadong sagrado para ipakita nang buo. Ganito ang depensa ni Tom Rodriguez sa kanyang post kasama ang partner at baby nila.
Inilabas nga nito ang mag-ina sa social media, pero siya lang ang kita ang mukha.
Tagiliran at harap lang ng babaeng mahaba ang buhok at maliit na anak ang naka-display.
At kalakip ng kanilang pictorial ang caption ni Tom na: “Some treasures in life are too sacred to put on full display.
“This isn’t about hiding…it’s about holding.
“Holding close what grounds me.
“What restores me.
“What reminds me of who I am beyond the lights, the noise, and the roles I play.
“This family of mine is my sanctuary…My peace.
“And in a world that often demands a performance, they are where I’m most real.
“Thank you to @bundleofjoystudioph for capturing this quiet kind of joy we live every day.
“#FamilyFirst #Gratitude #QuietJoy #BundleOfJoyStudios #Sanctuary.”
Divorced na sila ni Carla Abellana na totoo bang may kino-consider na ring manliligaw sa kasalukuyan?
Anyway, as usual, daming komento ng mga netizen, may maganda at may mga nega sa nasabing post ni Tom.
Ba’t daw hindi niya maiharap ang mga ito eh nilantad na nga sa social media.
Kung ayaw raw talaga niyang ilabas eh ‘di sana hindi na sila nagpa-pictorial at nag-post.
Trending ang pangalan ng actor kahapon sa X kaya ang daming tanong ng mga netizen lalo na at may lumabas ding photo na nasa supermarket sila at exposed ang face ng partner o misis na ba na isang Pinay pala.
But anyway, ang obserbasyon ng karamihan, hindi lang sa personal na buhay naka-recover si Tom, kundi maging sa financial aspect.
Hindi niya kinumpirma, pero diumano’y kabilang din si Tom sa na-scam noong kumandidato siya sa isang partylist group. Nasaid diumano noon ang lifetime savings ng actor.
Aktor, na-scam din ng kaibigan
Halos nasaid din pala ang isang kilalang actor dahil sa scam.
Pero hindi raw nagsalita ang actor, sinarili na lang nito ang naging karanasan at saka nag-move on.
Kakilala rin daw ng actor ang pinagkatiwalaan nito ng pera kaya hindi ito nagduda na maloloko siya at mawawala na parang abo ang kanyang mga pinaghirapan.
Wala na raw pag-asang mabawi ng actor ang kanyang perang nawala kaya super work na lang ito upang makaipon ulit lalo’t marami-rami naman daw itong naipundar.
Pagdating talaga sa pera, walang kaibigan.
