August 22, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Hindi Terrafirma kundi NorthPort na ang koponang posibleng mawala sa PBA simula sa PBA Season 50.
Naudlot man ang pagbenta ng Terrafirma franchise at ngayon, NorthPort ang napipintong maibenta nang tuluyang dalawang buwan bago ang pagbubukas ng makaysayang ika-50 taon ng PBA sa Oktubre.
Lumutang ang hindi pa ipinapakilalang buyer ng NorthPort franchise, ayon sa ulat ng Spin.ph, bagama’t wala pang pormal na pag-uusap ang dalawang panig upang simulan ang negosasyon sa team purchase.
Dagdag ng mga ulat, nagsumite na ng Letter of Intent sa PBA ang buyer at alam na ito ng PBA Board of Governors na siyang unang hakbang sa anumang proseso para sa pagbenta o pagbili ng PBA franchises.
Kung maikakasa at magkakapirmahan na agad, bibigyan ng PBA ng options ang buyer na saluhin nang buo ang prangkisa ng NorthPort o maging expansion franchise sa Season 50 para sa anumang pagsikwat o dispersal draft ng mga manlalaro nito.
Matatandang nakuha ng NorthPort (dating GlobalPort) ang franchise ng Powerade Tigers noong 2012 upang maging isa sa expansion teams ng PBA sa lagpas isang dekada.
Subalit kahit minsan ay hindi nakaabot ng finals ng NorthPort na tatlong beses nakapasok sa semis kabilang na sa Commissioner’s Cup na katatapos lang na PBA Season 49 Commissioner’s Cup.
