NorthPort sasagupa sa Terrafirma | Pilipino Star Ngayon


MANILA, Philippines —  Sisimulan ng NorthPort ang kanilang kampanya sa Season 49 PBA Philippine Cup sa pagsagupa sa Ter­ra­firma sa Ninoy Aquino Sta­dium sa Malate, Manila.

Sasagupain ng Batang Pier ang Dyip ngayong alas-5 ng hapon kasunod ang salpukan ng NLEX Road Warriors at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-7:30 ng gabi.

Sa likod nina import Kadeem Jack at Best Player of the Conference Arvin To­lentino ay hinirang ang NorthPort na eliminations topnotcher sa nakaraang PBA Commissioner’s Cup.

Matapos sibakin ang eighth-seed Magnolia Hotshots sa quarterfinals ay mi­nalas ang Batang Pier sa Ginebra Gin Kings sa ka­nilang semifinals series.

“Kahit parang star­ting from scratch kami, ba­wal matalo pa rin,” sabi ni NorthPort coach Bonnie Tan sa pagharap nila sa Terrafirma na may 1-1 re­cord makaraang manalo sa Phoenix at matalo sa nag­dedepensang Meralco.

Sina Tolentino, Joshua Munzon, William Navarro, Fran Yu, Abu Tratter at Damie Cuntapay ang babandera sa Batang Pier katapat sina Terrence Romeo, Stanley Pringle, Aldrech Ramos at Louie Sangalang ng Dyip.

Bubuksan din ng Elasto Painters ang kanilang kampanya sa pagharap sa Roza Warriors na nakalasap ng 89-98 kabiguan sa San Moguel Beermen sa una nilang laro.

Nasibak ang Rain or Shine ng nagharing TNT Tropang Giga sa semifinals ng Commissioner’s Cup.

Hangad naman ng NLEX na makabangon sa pag­katalo sa SMB.