September 4, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Paborito pa rin ang ‘three-peat’ champion National University sa bagong Shakey’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup na lalarga na Setyembre 20 sa Playtime Filoil Centre sa San Juan.
Bibida sa Lady Bulldogs si UAAP juniors MVP Sam Cantada mula sa Adamson kasama sina Vange Alinsug at Arah Panique para sa matikas pa ring koponan sa kabila ng graduation nina MVP Bella Belen at Alyssa Solomon.
Kagagaling lang ng NU sa kampeonato ng Davao Leg ng bagong format ng SSL National Invitationals na may tatlong regional legs na ngayon sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Binago rin ng SSL ang Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (GVIL) sa Rising Stars Cup bago ang pagpapalit pangalan ng Collegiate Preseason Championship sa Unity Cup bilang selebrasyon ng ika-50 anibersaryo nito.