Obiena 3-peat sa Asian Championships


MANILA, Philippines — Nakumpleto ni Asian record holder EJ Obiena ang matamis na three-peat sa men’s pole vault nang angkinin nito ang gintong medalya sa 2025 Asian Athletics Championships na ginanap sa Gumi, Korea.

Naibulsa ng 29-anyos na si Obiena ang ginto matapos magtala ng 5.77 metro sa jump off laban kay Huang Bokai ng China.

Parehong nagtala ng 5.72m sina Obiena at Huang. Ngunit pareho rin silang nabigong makuha ang 5.82m na marka dahilan upang naipuwersa ang jump-off.

Napasakamay ni Patsapong Amsamarng ng Thailand ang tanso matapos magtala ng 5.67 metro.

Ito ang ikatlong sunod na ginto ni Obiena sa natu­rang torneo upang manati­ling hari ng Asya.

“Three-peat Asian Champion,” ayon sa post ni Obiena sa kanyang social media.

Kasalukuyan itong nasa ikatlong puwesto sa world ranking.

Naghari din si Obiena sa 2019 edisyon ng Asian Championships sa Doha, Qatar at noong 2023 edis­yon sa Bangkok, Thailand.

Maliban dito, si Obiena rin ang gold medalist sa Asian Games na nakuha nito noong 2023 sa Hangzhou, China.