Open communication ang key ng happy and harmonious relationship nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Malaking tulong aniya kaya talagang wala silang nae-encounter na major disagreement o fight.
“Siguro nakatulong na rin na ang tagal kasi naming friends. Friends kami nung una, eh. As in besties kaming dalawa ganun. Tapos hanggang sa talagang kilala ko na siya as a person,” umpisa niya.
“He’s really a good person, easy to get along with, sobrang generous, sobrang sarap kasama, madaling pakisamahan saka professional, responsable. ‘Yun siya as a guy. Pero I got to know him on a different level at that time, na parang tumaas lalo yung bilib ko sa kanya, like ‘wow may ganito palang lalake’ as in,” kuwento niya nang makausap namin pagkatapos ng mall tour ng Simply G last Saturday sa Market Market kung saan siya ang brand ambassador.
“Parang napakasuwerte ko na may ganito akong klase na guy, who’s with me na you know, who loves me, supports me everything that I do. Saka ‘yung mahal talaga ako kung sino talaga ako saka yung hindi ako kailangang bawiin,” dagdag pa niyang papuri sa karelasyong actor for three years now.
And so far, may minor away lang sila. Mga petty argument. “May mga tampu-tampuhan na mga petty away lang talaga, eh. Parang wala kaming super… Oo kasi sa unang stages ng relationship, mga adjustment period pa, so hayan well-adjusted naman na kaming dalawa, super secured, super safe.”
Pakiramdam niya ay dumarating talaga ang time na makakahanap ka ng tamang tao para sa ‘yo. “Well, before ganun naman po talaga ‘yung thinking ko. But I guess, may mga circumstances na hindi natin maiiwasan, di ba? That’s why we fall for the wrong people. And then, eventually, na-realize ko na talagang hindi, kahit anong pilit mo na baguhin, or kahit anong pilit mo na i-workout, kung hindi talaga siya para sa’yo, hindi para sa’yo. So, ‘yun, ‘yung experience tapos syempre, after the relationship may darating sa stage na, ano ba, like, hindi na ba ako kamahal-mahal. Something like that about yourself.”
Dumating ka sa point na ganun? “Oo naman po. Like ano ba talaga? So, baka sa akin ‘yung problema, or whatsoever, or something like that.
“So, ako before, tagal ko rin kasing single. In-enjoy ko rin muna ‘yung single life ko. I got to know myself more.”
Ilang years kang single that time? “Parang, three years. Yes, tagal din tapos simula nung naging single ako sabi ko, i-enjoy ko muna ‘yung single life. Alam ko namang maraming umaaligid aligid. Chill lang kayo, guys. I’m enjoying myself,” pag-aalala niya bago naging sila ni Rayver.
Anyway, in full circle ang career ni Julie Anne at so far, happy siya. Bukod pa sa sunud-sunod niyang malalaking endorsement.
Pero meron pa rin siyang mga pinapangarap na gawin. “I want to have a different kind of role naman, yung medyo different sa akin, as a person talaga. Gusto ko yung challenging, action o yung medyo psychotic role, ganyan. Or sobrang different from the past roles na nagawa ko. And then sa music, I want to produce my own. So yun yung ina-aspire ko,” pagkukuwento pa ni Julie Anne.
So kelan kaya ‘yan mangyayari, like pag yung pagpo-produce niya ng kanyang music?
“I’m still, you know, on the process of like… working on it. And hopefully malatag siya nang maayos, maplantsa. So far I’ve been writing songs. I’m just finding the right time to find the right people…” kuwento pa ng singer / actress sa ginanap na gathering ng Confidence Club ng Symply G kung saan nag-enjoy ang mga fans niya sa pinamigay na giveaways, booths, at games.
