Og heartthrobs, may reunion | Pilipino Star Ngayon


Patuloy ang paghahatid ng world-class entertainment ng longest-running variety show ng bansa ng ASAP live ngayong Linggo (March 2) sa inihanda nilang grand homecoming ng ilan sa pinakamaningning na bituin bansa.

Kaabang-abang ngayong Linggo ang exclusive ASAP homecoming special ng ASAP Birit Queens na sina Angeline Quinto, Jona, Klarisse de Guzman, and Morisette Amon, kasama si Regine Velasquez.

Makikita rin ng viewers ngayong linggo ang much-awaited reunion ng OG hearttrobs na sina Piolo Pascual at Sam Milby sa ASAP stage.

Bongga rin ang pasabog na ope­ning number mula kina Martin, Gary Valenciano, Regine, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline, Yeng Constantino, Kim Chiu, Darren, Robi Domingo, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Janine Gutierrez, Maymay Entrata, Edward Barbers, Kyle Echarri, Lyka Estrella, Marielle Montellano, Carmelle Collado, Sofronio, and Pops Fernandez.

Makikisali rin sa selebrasyon ang lead stars ng pinakahihintay na romantic comedy film na My Love Will Make You Disappear na sina Kim Chiu at Paulo Avelino at trending series na Saving Grace na sina Julia Montes, Zia Grace, Sam Milby, Jennica Garcia, Christian Bables, Elisse Joson, Aya Fernandez, PJ Endrinal, Fe delos Reyes, Majoy Apostol, Andrea del Rosario, Emilio, at Eric Fructuoso.

Ituloy ang panonood sa mga inihandang eksplosibong dance numbers nina Kim, Joshua Garcia, Cristine Reyes, Teacher Georcelle, at ASAP Dance Sirens Loisa Andalio, Chie Filomeno, Anji Salvacion kasama D’Grind at G-Force. Hindi rin mawawala ang supahdance performance mula kina Darren, Gab Valenciano, AC Bonifacio, Gela Atayde, Ken San Jose, Georcelle, Loisa, Chie, Anji, Jeremy G., Emilio Daez, Rain Celmar, Robi, Belle, Edward, Maymay, Fyang Smith, JM Ibarra, Jas Dudley Scales, at Kolette Madelo.

Ilan lang ito sa mapapanood ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, ASAP, 12 nn sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Ex-PBB Jm Ibarra, may pinaghuhugutan

Samahan si Ganiel Krishnan na alamin ang pinag­huhugutan ng inspirasyon at nais patunayan sa mundo ng showbiz ni PBB Gen 11 ex-housemate JM Ibarra nga­yong Linggo (March 2) sa Tao Po.

Agad na nagbukas ang pinto ng mundo ng showbiz kay JM matapos pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya na na­ging tulay tungo sa malalim nilang ugnayan ni PBB Gen 11 big winner Fyang Smith na kinakiligan ng netizens.

Minsan mang naging breadwinner ng kanyang pamilya, kasing-taas ng pangarap niyang maging piloto noon, bilang dating aviation student, ang gustong liparin ngayon ni JM sa kanyang karera at patunayan na may ibubuga siya sa aktingan.

Samantala, bibisitahin naman ni Bernadette Sembrano ang camera repair shop na puno ng koleksyon ng iba’t ibang klase ng kamera ni lolo Diosdado “Dado” San Juan mula Quiapo na mahigit 15 taon nang bukas na pinagtibay ng pagmamahal niya sa pagkuha ng mga larawan.

Samahan si Kabayan Noli de Castro na tuklasin kung paano inaalagan at naparami ng isang animal lover na si Denver Co mula Tondo, Manila ang mahigit-kumulang 400 na alaga niyang sugar gliders.

Abangan ang mga kuwentong puno ng pag-asa at inspirasyon sa Tao Po ngayong Linggo, 6:30 p.m. Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.