Paboritong Pandesal ng mga Celeb, ibabahagi sa WPD!


Pilipino Star Ngayon

October 14, 2025 | 12:00am

Tara na’t magpandesal!

Ilulunsad ng sikat na Kamuning Bakery Café ang taunang  World Pandesal Day sa Oktubre 16, 2025, kung saan maghahatid ng 100,000 libreng pandesal sa publiko kasama ang special guest na si Vice President Sara Duterte.

Noong nakaraang taon, sina Senador Imee Marcos at Senador Ping Lacson ang mga special guests.

Kabilang naman sa mga nauna nang special guests ng Kamuning Bakery Cafe noon sina Pangulong Bongbong Marcos, Bise-Presidente Leni Robredo, atbp.

Usap-usapan din ang mga paboritong palaman ng mga sikat na personalidad sa showbiz at entertainment sa sempling pandesal.

Bongga ang Palaman ng mga Celebrity:

Vilma Santos-Recto: “Ang paborito ko ay kape at keso sa aking Pandesal!!!”

National Artist Ricky Lee: “Gusto ko ang Pandesal na may peanut butter o keso. Hindi ako umiinom ng kape.”

National Artist Ryan Cayabyab: “Pandesal na init mula sa pugon o oven na may hardened butter, isawsaw sa mainit na tablea… Yummmmy!”

Manila Mayor Isko Moreno: “Ang paborito kong palaman sa Pandesal ay keso.”

Jose Mari Chan: “Ang paborito kong palaman sa Pandesal ay Peanut Butter o Guava Jelly.”

Ruffa Gutierrez: “Mainit na Pandesal na may butter, isasawsaw sa mainit na kape na may gatas… masarap!”

Matteo Guidicelli: “Gusto kong Pandesal na plain lang, hindi kailangan ng palaman.”

Iza Calzado: “I-toast ang Pandesal na may kesong puti at butter, tapos mainit na tsokolate — parang nasa langit!”

Barbie Forteza: “Classic na Pandesal na may brewed coffee — the best.”

Sunshine Cruz: “Salted butter sa Pandesal, isawsaw sa black coffee. Perfect din kapag may pritong itlog.”

Albert Martinez: “Old school: mainit na Pandesal na may kesong puti at masarap na Batangas coffee.”

Alfred Vargas: “Mainit mula sa pugon, na may kesong puti o coco jam.”

Cesar Montano: “Organic peanut butter o sardinas ang palaman sa Pandesal.”

Higit sa pagdiriwang, ito umano’y pagkakataon para makatulong ayon sa may-ari ng nasabing iconic bakery na si Wilson Flores. Kasama sa outreach program ng bakery ang Libreng Medical & Dental Mission sa Oktubre 26 Linggo at ang pangakong magdonasyon ng 12 na pampublikong paaralan sa mga probinsiya sa susunod na tatlong taon.