Panibagong streaming platform, ilulunsad | Pilipino Star Ngayon


May mga bumabalik na sa panonood sa mga sinehan pero majority pa rin ay nasa online.

Kaya naman dumarami na ang streaming platform na pwede mong pagpilian.

At sa pag-usbong ng maraming kumpanya ng media na nag-aalok ng malawak na library ng mga pelikula at palabas sa TV ganundin ang mga independent producer na ang nilalaman ay mga original na konsepto, hindi nakakagulat na ang mga tao ay nagiging mas na-hook sa streaming platform.

Ang paglipat mula sa tradisyunal na media patungo sa online streaming ay hindi na talaga maiiwasan. Nakikita ito ng mga tao na mas maginhawa at epektibo in terms of gastos, mayroon pa itong mas malawak na hanay ng mga pagpipilian na maaaring ibahagi sa pamilya at mga kaibigan kasama ang kaginhawaan ng panonood habang on-the-go.

Ang hinaharap ng online streaming ay kapana-panabik at mabilis na umuunlad.

At sa inspirasyon ng napakalaking tagumpay na ito, ang ideya ng paglikha ng alternatibong streaming platform ay mas dumarami.

Kaya, ang pagsilang ng Fun Unlimited o F.U. ay hindi na nakakagulat.

Ang F.U ay isang bagong Filipino streaming service na nag-aalok ng malawak na hanay ng lokal at international content.

Ang F.U ay may timpla ng komedya, aksyon, true to life drama at nakakakilig na sexy pero classy, at umano’y never trashy features.

Ito rin daw ay edutainment at nilalayon umano nilang turuan ang mga manonood ng mga sensitibong bagay na may kaugnayan sa sex pero sa disenteng pamamaraan ng pagtuturo at sagutin ang mga maselang tanong na gustong pag-usapan ngunit kinahihiyaang itanong.

Meron din umano silang mga kapaki-pakinabang na payo at comedy stunts mula sa nag-iisang pinakamalaking tindera sa social media na si Bernie Batin kasama si Lola AI!

Tuklasin ang misteryo ng isa sa in demand na content creators na pang-adult, si Salome Salvi.

Alamin din ang masakit at hindi masabi na katotohanan sa likod ng mundo ng mga pelikulang pene mula kay Ms. Myra Manibog.

Samahan din si Mr. FU sa pagtuklas ng mga katotohanan tungkol sa mga pinakakontrobersyal na isyu sa nakaraan gamit ang Files Unlocked!

Ang F.U ay wala umanong ng alinlangan na Fun unlimited!

Mag-uumpisa silang mapanood sa Agosto 8!

Kabilang naman sa mga nakatakdang ipalabas ang Survive, Rebound, Redcon -1, Shadow of God, Alone, Champion, The Wrath, The Crusifix, Instant Death, Uranus, at marami pang iba.