Napapanood pa rin ang pelikulang Sugat sa Dugo… Ang Katotohanan.
Matagumpay nga itong nagdaos ng screening bilang bahagi ng National Women’s Month Celebration (NWMC) ng Senate Gender and Development Focal Point System (GFPS).
Ayon kay Atty. Sheela Villano-Millera, Chairperson ng GFPS, ang nasabing event ay ginawa talaga upang i-promote ang gender equality and raise awareness on the challenges and achievements of women through film.
Taong 2022 pa nang ipalabas ang pelikula sa mga sinehan pero hindi tumitigil ang isa sa mga producer nitong si Bambbi Fuentes na ikalat ang mensahe ng pelikula tungkol sa HIV (human immunodeficiency virus).
Maraming kaibigan si Bambbi na kinapitan ng HIV kaya naisip niyang puhunanan ang pelikulang ito na nagbibigay ng impormasyon sa ganitong klase ng sakit. “I thought of making this film kasi ang dami kong friends na tinamaan ng HIV and it’s about time magkaroon ng awareness ang mga tao specially the young ones na konti lang ang knowledge about HIV,” ulit niyang pahayag tungkol sa pelikula.
Sa kasalukuyan, diumano’y nararanasan ng Pilipinas ang pinakamabilis na pagdami ng HIV sa Western Pacific region na may napakalaking 418% at 535% na posibilidad ng mga bagong impeksyon sa HIV at pagkamatay na nauugnay sa AIDS, ayon sa pagkakabanggit, mula 2010-2022.
Ang nasabing artikulo ay noong isang taon pa lumabas.
Kaya naman nagpapasalamat si Bambbi na isang mahusay na hair and make up artist sa GFPS na tumutulong upang palawakin ang kampanya laban sa HIV.
Ang HIV ay isang virus na umaatake sa immune system ng katawan na walang gamot kaya’t maaari itong humantong sa AIDS (acquired immunodeficiency syndrome).
Sa sandali umanong magkaroon ng HIV ang mga tao, mayroon sila nito habang buhay. Ngunit ang wastong pangangalagang medikal ay maaaring makontrol ang virus.
Kabilang sa mga bida sa pelikula si Janice de Belen. Kasama ni Janice sa pelikula si Sharmaine Arnaiz at ang Dragon Talent Management artists na sina Khai Flores, Steven Dayrit, Christa Jocson, Shira Tweg, Mira Aquino, among others directed by Danni Ugali.
