Pepito Manaloto, naka-15 years na


Emosyonal ang cast ng award-winning family sitcom na Pepito Manaloto nang magbigay ng mensahe para sa 15th anniversary ng show.

Shinare ng GMA Network sa social media ang video ng pasasalamat ng cast. Kasama riyan ang message ni Bitoy, “Kung natatawa kayo sa bawat episode, ‘wag niyo rin kalimutan na may lesson at mensahe po kami na gustong iparating sa mga Pilipino. Sana hindi lang mga bibig natin ang ngumingiti, sana pati ang mga puso natin.”

Sey naman ni Manilyn Reynes, “Gusto ko pong magpasalamat sa inyong lahat sa pagpapatuloy sa amin sa inyong mga puso at tahanan. Sinamahan niyo kami sa pagtawa, pag-iyak, at kahit sa pandemic. Dumating ‘yun lahat at nandiyan pa rin kayo.”

Kasunod nito ay binaha ng heartwarming comments at mga personal na kuwento mula sa avid viewers ang post ng GMA.

Napapanood ang Pepito Manaloto tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA 7.

Stage play na walong libo… may hubaran

Ahhh uso na rin sa stage play ang nudity. Yup, hindi na lang sa pelikula.

At pasok dito ang tinatawag nilang one-character play na Walong Libong Piso na mapapanood this August, CCP Black Box Theater (Tanghalang Ignacio Gimenez), Pasay City.

Almost two hours umano mapapanood ang nasabing psychological play ng isang character na halinhinang gagampanan nina Paolo Gumabao, Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, at Drei Arias, ayon sa writer-director nitong si Dante Balboa.

Dahil lahat ng mga bida ay sexy actor, meron umanong mga eksena ng macho dancing, shower scene, at ‘self love’ ang nasabing stage play.

At aminado ang apat na sexy actor na pinaghahandaan nila ang kanilang character kaya’t  inaasahan na magpapatalbugan sila sa kani-kanilang performance.

Dahil hindi ito tulad sa pelikulang pwedeng mag-take two, ano bang pwedeng ipakita or may limitation ba sa ipapakita nila?

“Alam ko naman pong walang cam dito. Kung ano po ‘yung puwede nating ipakita ay maipapakita natin diyan. Laban naman po ako ru’n,” mabilis na sagot ni Juan Paulo noong Biyernes ng hapon sa Manila Hotel.

“Sa akin din po, laban din natin iyan!” hirit naman ni Drei.