Pista ng Nazareno hamon kay Nartatez


BANAT NI BATUIGAS — Bening Batuigas — Pilipino Star Ngayon

January 6, 2026 | 12:00am

MASUSUBUKAN muli ang husay ni Philippine National Police (PNP) Acting PNP chief Lt.Gen. Jose Melencio Nartatez sa pista ng Nazareno sa Enero 9.

Sa pahalik pa lang sa Quirino Grandstand, Luneta, ay super haba na ang pila ng mga deboto na nagnanais na ma­kahawak at maka-halik sa Nazareno kaya kailangan ang ma­higpit na pagbibigay ng seguridad upang masiguro ang kalig­tasan ng mga deboto.

Nasubukan ang husay ni Nartatez sa nakalipas na seleb­rasyon ng Pasko at Bagong Taon. Naging general peaceful ang buong bansa dahil sa maagang paghahanda ni Nartatez.

Maraming nadakmang kriminal at nakumpiskang mga baril. Marami ring nahuling ipinagbabawal na mga paputok. Kaya ang resulta naging mapayapa at ligtas ang samba­yanang Pilipino.

At ngayon araw naman ng traslacion, nararapat lamang na maging alerto at hindi nagpapakaang-kaang ang mga kapulisan ni Nartatez. Asahan na natin na maraming mga handaan sa bawat kabahayan ay syempre hindi mawawala ang inuman.

Maging ang mga kalye na pagdaraanan ng prusisyon ay dapat na walang nakaparadang mga sasakyan upang ma­bigyang kaluwagan ang pagdagsa ng mga deboto.

Panawagan ng Manila Police District Headquarters sa mga sidewalk vendors na huwag munang maglatag ng mga paninda sa mga daraanan ng traslacion dahil ang lalabag rito tiyak na makukumpiska lamang ang inyong mga paninda.

Malaking hamon kay Nartatez ang mapayapa at ligtas na traslacion. suportahan natin ang ating kapulisan sa pagbibigay ng seguridad sa mga deboto.

Sana maging maayos at mapayapa ang piyesta ng Quiapo.