February 19, 2026 | 12:00am
Maisasakatuparan na rin sa wakas ang matagal ng inaasam-asam ng mga Alimodianon na magkaroon ng sariling police station ang kanilang bayan. Nakabili na kasi ng 20,625 square meters lot ang Alimodian municipal government sa Magtanong St. kung saan itatayo ang tatlong palapag na police station. Alinsunod kasi sa mandato ng Philippine National Police ang munisipyo ang sasagot sa lupa na katitirikan ng police station, samantalang ang PNP ang sasagot sa gastos sa pagpapatayo.
At dahil may available na lupa na ang Alimodian, pumirma na ng deed of donation sina Mayor Ian Kenneth Alfeche at PRO6 director Brig. Gen. Joseifno Ligan nitong nagdaang linggo na ginanap sa munisipyo ng Alimodian. Kasama sa mga guests ay sina Vice Mayor Kalay Alonsabe, Iloilo provincial director Col. Bayani Razalan, RLRDD chief Col. Rhea Santos at Alimodian police chief Capt. Chrysler John Ledesma.
Sinabi ni Ligan na wala ng makakapigil sa pagpatayo ng police station sa Alimodian. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang police station ay nakikisukob lang sa parte ng munisipyo ng Alimodian sa may bandang Rodriguez St. kung saan lumaki si Dipuga. May plano pa ang mga kapatid nating NPA na lusubin ito dati subalit nabigo sila. Kaya’t para sa kaligtasan ng mga empleyado ng munisipyo, pinilit ng local government na ilipat ang police station kaya lang wala namang available na lupa. Enter the dragon….este pasok si Ester Aligaen, at ibinenta sa munisipyo ang halos tatlong ektarya niyang lupa sa Magtanong St. sa halagang P17,619,240 noong panahon na si Alonsabe pa ang mayor.
Sa tulong din ni Neil Alinsañgan, ang ex-Comptroller ng PNP, gumulong ang proyekto hanggang magkasamang isinulong ito nina Ligan at Alfeche. Eh di wow! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Ayon kay Ligan, may P10-milyon budget galing sa PNP GAA para sa three-storey police station. Nasa proseso na para ipa-bidding ang proyekto para sa pagpagawa nito. “Itatayo ang building sa taon na ito. Taus puso tayong nagpapasalamat kasi soon titindig na ang police station at maraming pakinabang na dulot nito sa bayan ng Alimodian. Walang gagastusin ang munisipyo dito,” ani Ligan.
Uukupahin ng police station ang 1,100 square meters ng donasyon na lupa, ang dagdag pa ni Ligan. Itong bayan ng Alimodian ay kino-consider pang Class B municipality at, ayon kay Ligan, kino-convert na itong Class A municipality. Kung sabagay, ang lupa ay tinawag ni Mayor Alfeche na New Site kung saan may nakatayo ng basketball court at iba pang opisina tulad ng Local Youth Development Center. Mismoooo! Ang saya-saya, ‘no mga kosa?
Tinawag ni Ligan na significant milestone itong pagpatayo ng police station sa Alimodian, hindi lang para pagtibayin ang police presence kundi pag-improve pa ng delivery ng public service sa liderato ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr.
“More than just a structure, this police station symbolizes partnership, shared responsibility, and a collective commitment to peace, order, and community well-being,” ang giit ni Ligan. “PRO6 extends its deepest gratitude to the Local Government Unit of Alimodian for their unwavering support, generosity, and dedication to public safety. Together, we move forward in building safer, stronger, and more resilient communities,” aniya. Gen. Nartatez Sir! Tulonggg! Abangan!