Pope Francis, bumuti-buti ang lagay


TAKE IT TAKE IT! — Lolit Solis — Pilipino Star Ngayon

February 26, 2025 | 12:00am

Nanatili pala si Pope Francis sa kritikal na kondisyon ngunit nagpakita ng bahagyang pagbuti sa mga resulta ng laboratoryo at ipinagpatuloy ang ilang trabaho, ayon sa Vatican.

Ayon sa panggabing bulletin ng Vatican ay mas masigla kaysa sa mga nagdaang araw, habang ang 88-taong-gulang na si Pope Francis ay nakikipaglaban sa pneumonia sa parehong baga sa ospital ng Gemelli ng Roma.

Inilabas ito ilang sandali bago ang pagdarasal ng Rosaryo sa St. Peter’s Square.

Sana naman ay gumaling na sa lalong madaling panahon si Pope Francis.

Isasama ko siya sa aking dasal na lumakas pa.

Alfred, nagsumbong sa tirada ng mga troll!

Happy naman kami nila Salve na makita ko si Alfred Vargas kahapon.

Parang bata siyang nagsusumbong ng mga troll na panay ang tirada sa kanila ni Cong. PM Vargas na ang dami yatang natatakot dahil ang lakas ngayon sa distrito kung saan siya tumatakbo.

Well kahit ano pa ang gawin nila, hindi kayang tapatan ang performance nilang magkapatid. Halos lahat ng pangako nila nagawa nila.

Tuwang-tuwa nga si Alfred sa ‘Ngiting Artista’ na inilunsad niya dahil talagang lahat nag-avail nito. Libre ang paayos at pagawa ng pustiso para sa may kailangan nito.

Marami ang natuwa dahil mahal din ngayon ang magpaayos ng ngipin noh. Talagang sa ginagawa ni Alfred na isang konsehal sa kasalukuyan, kaya siguro kinakabahan mga kalaban nila dahil malakas ang clamor na tumakbo itong senador.

Hindi malayong mangyari dahil talagang pang-mataas na puwesto ang mga trabahong ginagawa ni Alfred noh.

You cannot put a good man down kahit ano pa ang gawin mo, mapapagod ka lang.